Tuesday , March 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

Drug user, pusher hinarana ng pulisya sa Davao Del Norte

HINARANA ng mga pulis sa bayan ng Kapalong Davao del Norte para kusang sumuko ang mga drug user at pusher.

Ayon kay Chief Inspector Michael Seguido, hepe ng PNP sa Kapolong Davao del Norte, nagresulta sa pagsuko ng daan-daang kataong sangkot sa illegal drugs ang kanilang Project Marianita.

Araw-araw aniya silang nagha-house to house sa bawat barangay para haranahin ang sino mang drug user o pusher upang sumama sa kanila.

Sa unang araw pa lamang aniya nang kanilang paghaharana, 60 agad ang nahikayat na sumuko sa mga awiting “Magbago ka” ni Freddie Aguilar at “Gising na Kaibigan” ng grupong Asin.

Plano ng pamahalaan ng Kapalong at ng PNP na ikutin ang lahat ng 14 barangay ng bayan upang haranahin ang mga sangkot sa droga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

yosi Shabu

2 durugistang bebot, 5 pang adik tiklo sa pot session

WINASAK ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den na …

Bocaue Bulacan Police PNP

Sa P3.2-M robbery sa Bocaue
Miyembro ng ‘Rizal group’ timbog

NAARESTO ng pinagsanib na puwersa ng Bocaue MPS at Bulacan PPO Provincial Intelligence Unit, nitong …

NHMFC BYC

NHMFC advances blockchain initiative to bolster transparency and housing finance securitization

The state-run National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) is taking a significant step toward strengthening …

FISMPC DOST

Sun Drying Innovation Gains Ground at 2026 National Summit

The 2026 National Sun Drying Tray Summit and Presentation of Accomplishments gathered science leaders, regional …

SM Foundation Bulacan

Libreng Pangangalagang Pangkalusugan, umabot sa halos 1,000 sa Bulacan sa pamamagitan ng Medical and Dental Mission ng SM Foundation

KAMAKAILAN ay nagsagawa ang SM Foundation ng isang medical and dental mission sa SM City …