Monday , December 23 2024

Buong mundo saludo sa ating pangulo

00 Kalampag percySALUDO ang buong mundo sa determinasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na puksain ang illegal drugs, korupsiyon at kriminalidad.

Wala pang leader sa balat ng lupa na nakagawa na hayagang tinukoy ang mga heneral na sangkot sa sindikato ng illegal na droga.

Ang mapangahas na aksiyong ginawa ni Duterte ay nangangailangan nang buong suporta ng mga Filipino dahil ang buhay ng ating Pangulo ay nalalagay sa malaking panganib.

Hindi biro ang impluwensiya at kuwartang hawak ng drug lords sa bansa at lahat na ng sangay ng pamahalaan ay kontaminado na nila.

Bago pa umupo si Duterte ay inihayag na ni PNP chief Ronald “Bato” dela Rosa na P20-M ang inilaan ng druglords sa New Bilibid Prisons (NBP) para itumba na silang dalawa.

Kaya bukod sa panalangin para ilayo sa panganib si Duterte, sa pagbibigay ng impormasyon sa PNP hinggil sa operasyon ng illegal drugs ang ating iambag para magtagumpay ang kanyang adbokasiya.

KASO NG DRUGS SA DOJ, BUSISIIN

MARAMI ang nadesmaya sa “Daang Matuwid” ng nakaraang administrasyong Aquino.

Sa panahon ni Noynoy Aquino lalong naging talamak at lumubha ang problema sa illegal drugs.

Sa kanyang administrasyon lang nagkaroon ng “narco industry” sa Bilibid.

Marami rin ang namangha bakit “inimbudo” ng kanyang Justice Secretary na ngayo’y Sen. Leila de Lima ang lahat ng illegal drug cases.

Naglabas ng department order si De Lima pag-upo niya, inaatasan ang mga DOJ prosecutor na agad palayain ang drug suspects kapag ang kanilang kaso’y inilagay sa automatic review ng kanyang tanggapan.

Kung rerepasohin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang mga nasabing kaso upang malaman kung ang “automatic review” ay hindi ginawang negosyo.

PADRINO NG NARCO INDUSTRY SA NBP PANGALANAN DIN

GIGIL na gigil si Pres. Rody dahil sa mismong loob ng BIlibid nagmumula ang supply ng illegal drugs.

Kaya ang hirit nang milyon-milyong bumoto sa kanya ay isunod na tukuyin kung sino ang nagbigay ng proteksiyon sa mga convicted drug lords kaya nakapagpatayo ng shabu laboratory sa NBP.

Kaya ang payo natin kay Pres. Rody, paim-bestigahan ang lahat ng alingasngas sa DOJ sa panahon ni De Lima.

Siguradong magkakaroon ng kasagutan ang tanong ng buong bayan kung bakit nagkaroon ng narco industry sa loob ng Bilibid.

Nangyari ang ganitong kalaking kalokohan habang si De Lima ang justice secretary.

Noong Disyembre 2014 ay inilipat ni De Lima sa National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang drug lords kahit walang court order.

Sa halip, sa penal colony makararanas ng hard labor ang mga sentensiyadong kriminal sa patuloy na paglabag sa batas ay sa NBI compound sila dinala ni De Lima.

Kaya huwag na tayong magtaka kung bakit sa sunod-sunod na pagpatay sa mga sangkot sa illegal drugs naaalarma si De Lima imbes sa paglaganap ng illegal na droga sa buong bansa.

NASAAN ANG P42-B SA FLOOD CONTROL

PUMASOK na ang panahon ng La Niña at tiyak na ang prehuwisyo nang pagbaha sa buong Metro Manila.

Saan kaya napunta ang P42-B pondo para sa flood control program noong nakalipas na taon?

Noon pang 2013 ay inilatag na ng gobyernong Aquino ang long term program sa flood mitigation na nagkakahalaga ng P351.7-B.

Pero lubog pa rin sa baha ang Kamaynilaan tuwing malakas ang buhos ng ulan.

Matatandaan ang makasaysayang pangyayari sa bansa na walong oras na-stranded ang mga tao sa buong Kamaynilaan noong Setyembre 2015 dahil sa tatlong oras na pagbuhos ng ulan na nagdulot nang pagbaha.

Mababalewala lang ang emergency  po-wers na ibibigay kay Pres. Rody para lutasin ang problema sa trapiko kung hindi naman mabibigyan ng solusyon ang mga pagbaha.

‘PINAS, INILUGMOK NI PNOY SA UTANG

LUBOG sa utang ang Filipinas nang iwan ni Noynoy Aquino.

Paano mababayaran ng gobyernong Duterte ang utang na iniwan na nagkakahalaga ng 6.4 na trilyong piso, 4 na trilyon dito ay mula sa Aquino administration?

Si Aquino ang may pinakamalaking utang sa lahat ng mga nakaraang Presidente mula noong 1986 kabilang si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Iyan ba ang legacy ng “Daang Matuwid’ na ipinagyayabang ng mga damuho?

Pwe!!!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *