NAGTUTURO ang Feng Shui nang matalinong paggamit sa kapaligiran.
Kung ang lupa sa inyong paligid ay hindi patag at bako-bako, may naninirahan ditong maswerteng mga dragon.
Kung ang lupa ay patag at featureless, walang naninirahang dragon at ang lugar ay hindi masuwerte.
Gentle slopes mas masuwerte kaysa craggy slopes
Ang marahang pagkurba ng lupa ay higit na masuwerte kaysa magaspang at maburol.
Kung ang elevation ng lupa ay marahan, masagana ang pagpasok ng chi; marahan ang pagkilos nito, dumarami, nananatili at naghahatid ng malaking swerte.
Midlevels higit na superior
Hindi paborable ang paninirahan sa pinakatuktok ng burol o bundok.
Kapag nasa tuktok ka ng burol o bundok, madali kang tatamaan nang malalakas na hangin.
Sa mababang bahagi ng burol ay marahan lamang ang pag-ihip ng hangin, at ikaw ay matatabingan mula sa elemento.
ni Lady Choi