AGAD tumalon at lumabas sa kanyang squad car para tumawag sa kanilang estasyon ang isang pulis.
Aniya, “Mayroon tayong interesanteng kaso rito.”
“Binaril ni misis ang kanyang mister dahil umapak siya sa bagong lampasong baldosa.”
“Inaresto mo na ba siya?” Tanong ng sarhento sa pulis.
“Hindi pa. Basa pa ang baldosa.”