LAOAG CITY – Arestado sa mga awtoridad sa Bacarra, Ilocos Norte, ang isang ama na ginawang drug courier ang kanyang 4-anyos anak para sa kanyang mga kustomer.
Kinilala ni Senior Insp. Jephre Taccad, chief of police ng PNP-Bacarra, ang suspek na si Ferdinand Matutino, 22, may live-in partner, walang trabaho at residente sa Brgy. 16, San Roque, sa nasabing bayan.
Ayon kay Taccad, ang suspek ay dati nang nahuli sa droga at matagal din huminto sa kanyang ilegal na gawain.
Ngunit nang mabatid ng pulisya na bumalik muli si Matutino sa pagiging drug pusher ay agad nilang isinagawa ang operasyon.
Batay sa imbestigasyon ng PNP Bacarra, ginagamit ni Matutino ang anak upang maitago ang kanyang ilegal na aktibidad.