Friday , November 15 2024

Presidential Proclamation 143 na iniregalo ni PNoy kay Erap dapat ipabawi ni Pres. Duterte

00 Kalampag percyMARAMI ang umaasa sa pagbabagong ipinangako ni President Rodrigo Duterte.

Hinihintay nang lahat ang magiging resulta ng kanyang giyera kontra korupsiyon, kriminalidad at illegal na droga.

Para mabuko ang korupsiyon, natural na dapat repasohin ang mga pinasok na kontrata ng mga ahensiya ng gobyerno.

Unahin na ni Pres. Rody ang mga proclamation na nilagdaan ni PNoy na ang nakinabang ay mga kaalyado sa politika.

Gaya ng Presidential Proclamation No.143 na nagdeklara bilang economic zone sa lupain na kinatitirikan ng gusaling pagmamay-ari ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada. Ang JELP Building ni Erap sa Shaw Blvd., Mandaluyong City matatagpuan ang tanggapan ng Pag-ibig Fund.

Idineklara sa Proclamation 143 na ang ari-arian ni Erap ay klasipikadong economic zone, ito’y isang information technology center.

Bakit pinaupa ni Erap ang kanyang gusali sa Pag-ibig Fund na isang ahensiya ng pamahalaan at hindi naman sangkot sa information technology business?

Kabilang ba sa mga tinatamasang pribelehiyo ng ari-ariang ito ni Erap ang malaking kabawasan sa pagbabayad ng buwis dahil deklarado itong special economic zone?

Pinahihintulutan ba ng batas na pumasok sa kontrata ang ahensiya ng gobyerno tulad ng Pag-IBIG Fund sa pamilya ng politiko at mga opisyal ng pamahalaan?

Ang Republic Act 7916 ang nagtatadhana ng legal framework at mekanismo sa pagbuo at operasyon ng special economic zone.

Base sa Section 15 ng RA 7916, bawat ecozone ay dapat inorganisa, pinamamahalaan, at pinatatakbo ng ECOZONE Executive Committee.

Sa Section 18 naman ay ipinagbabawal na bigyan ng special privilege para makagamit ng area sa mga Ecozone ang alinmang ahensiya ng pamahalaan, kasama na ang government-owned and controlled corporation (GOCC) .

Sa imbestigasyon ng Senado sa mga kaso ni dating VP Jojo Binay, inamin ni dating Pag-IBIG Fund CEO Darlene Berberabe na napili nilang upahan ang JELP Bldg., dahil si Erap ay kaibigan ng kanyang amo.

Kung umuupa ang Pag-IBIG Fund sa JELP Building at naglalakihan ang mga karatula sa gusali na ibinebenta ang condo units dito, ibig sabihinay hindi ito totoong information technology business kundi isang real estate business at taliwas sa pagiging special economic zone.

Batid kaya ni dating VP Binay na special economic zone ang kinalalagyan ng tanggapan ng Pag-ibig Fund na gusali ng kanyang BFF  Erap?

Sa dinami-rami ng mga gusali sa buong Metro Manila bakit ang JELP Building pa ni Erap ang idineklarang ecozone ni PNoy?

Sa administrasyong PNoy nakabalik sa gobyerno ang isang sentensiyadong mandarambong at pinabayaang magdusa ang mga Manileño.

Sa palagay ba ni PNoy, makahahakot pa siya ng simpatiya sa mga taga-Maynila ngayong uulanin na siya ng santambak na kaso?

GOOD LUCK SA BAGONG MPD CHIEF!

MALAKING hamon kay bagong Manila Police District (MPD) Director Chief Supt. Jigs Coronel ang kabisera ng bansa na tinaguriang ‘orderless’ ni Pres. Rody.

Mismong si Pres. Rody na ang nakapansin na wala nang kaayusan sa lungsod at tinawag naman ng PNP Crame bilang sentro ng illegal drugs trade sa bansa.

Lahat ng ugat ng krimen ay talamak dahil sa illegal drugs at lahat ng klaseng illegal gambling na pinatatakbo ni Viceo sa siyudad.

Talamak rin ang illegal vendors, illegal terminal at ang illegal towing.

Kung galing ka sa isang tahimik na bansa gaya ng Japan, tiyak na aakalain mong nasa impiyerno ka pagtapak ng paa mo sa Maynila dahil nagkalat ang mga alagad ni Lucifer.

Kung sa loob ng anim na buwan ay maibabalik ni Coronel sa normal ang peace and order sa Maynila, alinsunod sa pangako na rin ni Pres. Rody, aba’y masasabi nating hindi nagkamali si PNP chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa pagpili sa kanya.

Good luck, Gen. Coronel!

NINAKAW NI ERAP SA BAYAN, BAWIIN

NGAYONG nakaupo na si Pres. Rody na mortal na kaaway ng korupsiyon ay wala nang dahilan para hindi maibalik at mabawi kay Erap ang lahat ng kanyang ninakaw sa kaban ng bayan.

Batay sa ulat, sa P734.9 milyong nakaw na yaman ay P307.6 milyon ang hindi pa naisosoli ni Erap.

Ito ay bahagi ng hatol ng Sandiganbayan o accessory penalty sa hatol ng Sandiganbayan kay Erap bilang sentensiyadong mandarambong.

Ang ipinababalik kay Erap ay nakapaloob sa desisyon ng Sandiganbayan na iniutos ang pagkompiska sa kinita niyang P545,291 sa jueteng payola; P200-M account sa Erap Muslim Youth Foundation; P189.7 milyon deposit sa Jose Velarde bank account na nanggaling sa komisyon ni Erap sa illegal na pagbili ng Belle Corp., shares ng GSIS at SSS; at kanyang “Boracay mansion” sa Quezon City.

Malakas ang kapit ni Erap sa nakaraang administrasyon kaya hindi nabawi ang lahat ng dinambong niya sa bayan kaya nga siya ang kandidatong tinulungan ni PNoy sa dalawang magkasunod na eleksiyon noong 2013 at 2016.

Ang abogado ni Erap at Secretray to the Mayor ng Manila City Hall na si Edward Serapio ay law-partner sa bufete o law firm na kinabibilangan din ng executive secretray ni PNoy na si Paquito “Jojo” Ochoa.

Maaalala na si Serapio ay co-accused din ni Erap sa kasong plunder.

Matatandaan, sa halip na ipatigil o kanselahin ni PNoy at national government ang nilikhang ordinansa sa truck ban na pinagkakitaan ng pangkat ni Erap sa Maynila ay tinulungan pang mangotong kahit nagkaletse-letse ang trapiko.

Ngayon natin masusubok kung uubra kay Pres. Rody ang kayabangan at pagbalewala ni Erap sa mga batas.

Abangan!!!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *