Saturday , November 16 2024

Tulak na ex-parak, 1 pa utas sa sagupaan

 

PATAY ang dalawang hinihinalang tulak ng droga, kabilang ang isang dating pulis, makaraan makipagbarilan sa mga awtoridad sa drug-bust operation sa Caloocan Citykamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga supek na sina Elmer Nicdao, sinasabing number 1 tulak sa kanilang lugar sa Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City, at dating PO1 Aljen Jaquines, residente sa Longos, Malabon City.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong 7:30 pm sa bahay ni Nicdao.

Napag-alaman, tinungo ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs North Team ng Caloocan PNP ang nasabing lugar makaraan makatanggap ng tawag mula sa isang impormante hinggil sa transaksiyon ng mga suspek.

Pagsapit sa nasabing lugar ng mga awtoridad, napansin sila nina Nicdao at Jaquines na mabilis na pumasok sa isang shanty at pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek.

Narekober mula sa mga suspek ang isang .38 kalibre ng baril at hindi pa nabatid na dami ng shabu.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *