Thursday , December 26 2024

MMFF, mag-klik pa kaya ‘pag ginawang artistic festival?’

INAASAHAN nila ang malaking pagbabago raw sa MMFF, kasi sinasabi na ngayon na ang kanilang primary consideration ay hindi na ang commercial viability ng isang pelikula. Hindi kagaya noon na ang isa sa mga primary consideration, dahil iyan nga ay isang trade festival, ay kung kikita ba ang pelikula o hindi.

Sa kabila noong dati nilang pagbibigay priority sa mga pelikulang kikita, dahil iyang festival ay inaasahan nilang makalilikom ng pondo hindi lamang para sa Mowelfund kundi ganoon din para sa ilang ahensiya ng gobyerno, pati na nga ang presidential social fund, may mga nakasingit pa rin namang mga pelikulang balolang.

Lumabas diyan iyong mga pelikula ni Nora Aunor na walang nanood. Mahina rin ang mga pelikula ni ER Ejercito. Marami pa ring ibang mga pelikulang walang nangyari. Iilan lang naman iyong mga consistent na box office earners.

Kung sasabihin nila ngayon na ang magiging batayan nila ay ang artistic merits, at gagawin na nga nilang isang artistic festival iyang MMFF, baka nga mas ok sa paningin ng mga kritiko, pero hindi kaya umangal naman ang mga may-ari ng sinehan?

Iyang panahon ng Pasko, iyan ang pinakamalakas na playdate ng mga sinehan. Malakas na nga ang protesta ng gawing ganyang petsa iyang festival, dahil hindi maipalabas ang mga pelikulang Ingles simula pa noong 1975. Wala lang makaangal noong panahon ni Presidente Marcos, ngayon tiyak na aangal na iyang mga iyan basta mga pelikulang hindi kikita ang ipalalabas sa mga sinehan nila. May puhunan ang mga producer ng pelikula, pero tandaan ninyo, may puhunan din naman ang mga nagtayo ng sinehan. Mahal ang koryente nila. Nagbabayad sila ng tauhan sa panahon ng holidays. Kung ang makukuha nilang pelikula ay pipito ang manonood, paano nga naman iyon? Baka matuluyan na ang banta ng ilan noon na magsasara na lang sila ng sinehan, walang kita pero mas makatitipid pa sila, kaysa magbukas at malugi ng mas malaki.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *