Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pelikulang nagpanalo kay LJ, ‘di man lang naipalabas sa mga sinehan

SI Nora Aunor, tinalo ni LJ Reyes  bilang best actress sa Urian. Si  Jericho Rosales, tinalo naman ni John Lloyd Cruz bilang best actor. Doon sa festival tinalo ni Jericho si John Lloyd para sa parehong mga pelikula. Upset din sinaDennis Trillo at Piolo Pascual na siyang nanalo naman sa Star Awards. Tinalo sila ni John Lloyd, at si Piolo ni hindi nominated sa Urian.

Pinapanalo naman nilang best picture iyong Taklub, pero sa tingin nila mas magaling na director si Jerrold Tarog na siya namang nagdirehe ng Heneral Luna. Upset na naman ang Felix Manalo at si direct Joel Lamangan na siyang choice naman ng Star Awards.

Natural lang iyan. Iba’t iba ang jurors, natural iba’t iba rin naman ang napipili nila. Ang tanong na lang ay sino ba ang mas credible at pinaniniwalaan ng publiko? Ang tanong lang namin, kung magbibigay kaya ng awards ang nagtitinda ng pang-hinuli at bato ng lighter sa Avenida, sino ang mananalo?

Kailan din naman kaya kikita ang mga pelikulang nananalo ng awards? IyangTaklub at iyang pelikulang nagpanalo kay Reyes, ni hindi pa yata iyan naipalalabas sa mga sinehan? Walang commercial screening iyan. Kaya nga sinasabing patay na ang industriya ng pelikulang Filipino.

Mukhang ang mga baguhang film makers ay gumagawa ng mga pelikula para lang manalo ng awards, at hindi iniisip na kumita naman para mabuhay ang industriya.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …