Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kristine hermosa, ‘di hinahabol ng Dos

HINDI naman talaga maikakaila na iyang si Kristine Hermosa ay nagsimula at nagkaroon ng pangalan dahil sa ABS-CBN. Noong naroon siya, isa naman siya sa naging paboritong star ng network. Kabi-kabila rin ang kanyang assignments noon. Pero dumating ang panahon na siguro nga nagsawa na rin siya, o baka naman wala ng bagong idea ang mga taga-network para ipagawa sa kanya, nasabayan pa ng kanyang pag-aasawa, medyo lumamlam ang kanyang career.

Ngayon may bago naman siyang trabaho, sa rival network namang GMA. Pero hindi namin alam kung bakit pilit pa nilang ginagawan ng issue iyon. Sinasabi naman nila na matagal nang tapos ang kontrata ni Kristine sa Star Magic. Hindi naman siya pinapirma ng bagong kontrata. Wala namang bagong proyektong iniaalok sa kanya. Kung sakali at inalok nga siya ng GMA na tinanggap niya, ano naman ang problema?

Palagay naming, wala namang isyung legal dahil matagal nang natapos ang kanyang kontrata sa ABS-CBN at saka hindi naman siya binigyan ulit ng iba pang assignment matapos ang kanyang kontrata. Maliwanag kung ganoon na para sa magkabilang panig, wala na silang responsibilidad sa isa’t isa, at malaya na nga si Kristine na tumanggap ng ibang trabaho.

Wala rin namang sinabi na hinahabol siya ng ABS-CBN matapos niyang tumanggap ng trabaho sa rival network noon. Eh ano nga ba ang kaso?

Siguro may mga tao nga lang na naninibago dahil sanay silang nakikita siya sa Channel 2, eh kung wala ng offer sa kanya eh, paano naman? Ang isa pa sigurong iniisip naman ng iba, ang daming artista ng Channel 7 na wala rin namang trabaho. Bakit hindi sa mga iyon ibigay ang trabaho at kinuha pa si Kristine?

Kung titingnan ninyo, isang grupo iyang show nila. Pamilya nila iyan kaya huwag na ninyong pakialaman iyon.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …