MINSAN, kawawa naman talaga ang nagiging buhay ng mga artista lalo na at wala na talaga silang career. May nagkuwento sa amin tungkol sa isang dating male star na nakalabas noon sa isang pelikula sa isang major film company at naging leading man pa ng isang top sexy female star, na ngayon nga raw ay walang kayod, walang kabuhayan, at umaasa na lang sa sustento ng kanyang “girlfriend” na nagja-Japan.
Hindi rin naman daw kasi siya suwerte sa negosyo, dahil lahat ng napasukang negosyo ay bumagsak. Siguro dahil na rin sa hindi siya masipag sa kanyang trabaho. Noong araw kasi, hindi niya iniintindi iyon dahil marami siyang nagiging clients sa kanyang “sideline”. Pero hindi lang siya nalaos bilang artista, matanda na rin siya ngayon kaya hindi na puwede ang “sideline”, maliban sa mga nabobola niyang mga dati na niyang kakilala noong araw pa.
Minsan kawawa naman iyong mga ganyan.
( Ed de Leon )