HINDI maingat iyang si “Mr. Model”, sabi sa amin ng isang broadcast journalist. Kasi nagpapakuha pa siya ng pictures habang dumadalaw sa bahay ng isang gay comedian at payag pa siyang mailabas ang mga picture na iyon sa social media. Hindi na kasi in demand si model ngayon, at natural lang na humanap siya ng sideline. Nagsa-sideline nga siya sa gay comedian, na hindi lamang siya dinadatungan kundi natutulungan pa siyang makakuha ng mga TV show. Marami kasing kaibigan at influential din ang gay comedian.
Mas influential naman kasi ang gay comedian kaysa gay manager niya na inirereto lang siya sa kung sino-sinong mayayamang gays.
( Ed de Leon )