NAPAG-USAPAN din nga namin sa umpukan noong isang gabi, matagal na ring wala si Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga. Ang sinasabing kasalanan niya, nawalan lang siya ng pasensiya sa isang show na nagkulang din naman ng coordination. Hindi namin siya masisi kung nagalit siya noon.
Hindi siya gumawa ng isang eskandalosong video. Hindi rin naman siya lumikha ng eskandalo sa maraming mga taong pinagkakautangan. Nagalit lang siya dahil parang napabayaan sila sa isang show.
Palagay naman namin kung ano man iyong nangyaring iyon, napagbayaran na ni Paolo. Isipin din nila na maraming nawawalang audience na naghahanap ng character niya.
HATAWAN – Ed de Leon