Friday , November 15 2024

‘Mali-Ligayang’ araw ni ‘Burikak’ bilang na; Mga Illegal Terminal bubuwagin sa emergency power

HIHIRIT ng emergency powers sa Kongreso si President-elect Rodrigo “Rody “ Duterte para lutasin ang krisis sa trapiko sa Metro Manila at sa iba pang mga probinsiya.

Talagang dapat tutukan ng pamahalaan ang problema sa trapiko kung nais natin ng tunay na pagbabago.

Batay sa pag-aaral, umaabot sa 28,000 oras ang nasasayang sa buhay ng isang tao dahil sa masikip na trapiko.

Ayon sa National Economic Development Authority (NEDA) may P2.4 bilyon kada araw ang nawawala sa kita ng Filipinas at kapag hindi ito nabigyan ng solusyon ay posibleng umabot sa P6 bilyon, sabi ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Sa unang cabinet meeting ng papasok na administrasyong Duterte kamakailan ay namangha ang lahat sa iprinisintang programa ni incoming DOTC Secretary Art Tugade para lutasin ang pesteng problema sa trapiko.

At kabilang sa solusyon na nakita ni Tugade para lumuwag ang trapiko ay buwagin ang illegal terminal at illegal vendors sa mga kalye.

Siguradong ngayon pa lang ay dinig ni Lucifer sa impiyerno ang lutong ng pagmumura ni Burikak na reyna ng illegal terminal sa Lawton.

Si Duterte lang pala ang makapagpapabagsak sa illegal niyang negosyo na ilang dekada nang namayagpag sa Lawton.

Problema niya kung saan kukuha ng ipangsusustento sa bisyo ng mga upahan niyang kalalakihan na nagbibigay ng panandaliang ligaya sa kanyang makunat at kulubot na katawan.

Hindi naman puwedeng bumalik sa kanyang orihinal na hanapbuhay na pagbebenta ng kanyang ‘bibingka’ sa Mehan Garden ang Burikak dahil wala nang paglagyan ang mga peleges sa kanyang tuyot na balat.

Saan na siya huhugot ng kuwarta para ibayad sa may-ari ng peryodikit na naglalabas nang walang katuturang kolum?

Matatapos na rin ang pagbabalatkayo niyang kulam-nista kasabay nang pagpapasara sa kanyang protection racket sa Lawton.

SOCE butlig lang sa Plunder Case

ILANG linggo rin nakakuha ng atensiyon sa publiko si Comelec Commissioner Christian Lim dahil sa isyu ng statement of contributions and expenditures (SOCE).

Nagbitiw na kamakalawa si Lim bilang Campaign Finance Office (CFO) chief ng poll body nang ibasura ng Comelec en banc ang kanyang rekomendasyon na huwag pagbigyan ang hiling na extension ng Liberal Party sa pagsusumite ng SOCE.

Giit kasi ni Lim, dapat ay sundin nang lahat ang itinakdang deadline (Hunyo 8) sa pagsusumite ng SOCE.

Kasama sa magiging parusa kapag hindi naisumite ng partido ang SOCE sa oras ay hindi pahihintulutan na makaupo ang nanalong kandidato.

Sakaling lumusot ang gusto ni Lim, hindi makakaupo si VP Leni Robredo at iba pang mga nagwaging kandidato ng LP sa buong bansa sa isang maituturing na ministerial at hindi naman mabigat na kaso ng pandaraya.

Hindi ba malaking kalokohan na maghigpit ang Comelec sa implementasyon ng submission ng SOCE at butlig lamang na maituturing kompara sa mga lantarang paglabag na ginawa ng mga kandidato noong eleksiyon pero hindi sila kumibo, tulad sa kaso ng lantarang vote buying, electioneering, overspending at pag-doktor sa VCM at PCOS machines?

Siyanga pala, si Lim ay isa sa mga sinampahan ng kasong plunder at graft sa Ombudsman dahil sa illegal na ‘paggawad’ ng P240-M kontrata sa Smartmatic para sa repair at diagnostics sa 82,000 PCOS machines.

Batay sa isinampang kaso laban sa kanila, hindi dumaan sa bidding ang naturang proyekto kaya labag ito sa batas na kung tawagin ay Procurement Law.

Ito ang  kontrobersiyal na ‘midnight deal’ na ikinasa ni dating Comelec Chairman Sixto Brillantes bago namaalam sa poll body at ipinawalang bisa ng Korte Suprema.

Hindi katuwiran na hindi natuloy ang proyekto para hindi ituloy ang kaso dahil ang krimen na pagbalewala sa Procurement Law ay naganap kaya dapat lang na managot ang mga nagsabwatan.

Ano ba ang mas mabigat na krimen, ang hindi makapagsumite ng SOCE sa takdang oras o ang pandarambong na naunsyami?

Ang nakapagtataka, hindi naman siya nag-resign bilang commissioner, kahit ang Comelec ay mas marami pang maanomalya at kuwestiyonableng kaso na pinagpasyahan na sumira sa rule of law.

Hindi ba butlig lang na maituturing ang isyu ng SOCE kompara sa vote buying, electioneering, overspending, pag-doktor sa VCM at PCOS machines at mga maanomalyang desisyon ng disqualification case?

‘Pag naisampa ang kaso sa Sandiganbayan ang kasong ito, permanente nang magpapaalam si Commissioner Lim sa Comelec at sa kulungan ang diretso nila.

Biktima, dehado sa human rights ng mga kriminal?

PAREHO ang tono ng Commission on Human Rights (CHR) at Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Nakaaalarma raw ang paglobo ng bilang ng mga napapatay dahil sa operasyon kontra-illegal drugs ng awtoridad.

Bakit sa paglabag sa karapatang pantao ng mga biktima ng mga krimen ay tameme sila pero sa human rights ng mga napapaslang na kriminal ay umaalma sila?

Mas gugustuhin kaya nila na lumala ang kriminalidad bunsod ng illegal drugs kaysa mabura sa mundo ang mga may kagagawan nito?

Ang dapat na usigin nila ay gobyerno na nagpabaya sa matagal na panahon kaya lumala ang problema sa illegal drugs at hindi ang pagsugpo nito.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *