Friday , November 15 2024

Si Pres. Rody na ang sinusunod 

ISANG buwan bago opisyal na maluklok ang administrasyong Duterte ay sunud-sunod na napapatay ng pulisya ang mga sangkot sa illegal drugs.

Indikasyon ito na kay Pres. Rody nagapapakitang-gilas ang PNP sa giyera kontra droga at hindi kay outgoing PNoy.

Puwede naman palang trabahuhin nang totoo ng pulisya ang mga illegal drug peddlers pero bakit hinintay pa nila na manalo si Duterte bago kumilos.

Maniniwala tayo sa sinseridad ng PNP kung ‘makapagtutumba’ rin sila ng bigtime illegal drug traffickers at hindi mga pipitsuging pusher lang.

Puwede rin ipatupad ng PNP ang one-strike policy sa kampanya laban sa illegal drugs at hindi sa jueteng lang.

Kapag may nahuling bigtime pusher sa area of responsibility (AOR) ng isang precinct commander ay sibakin agad.

Ibig sabihin, kung hindi man siya ‘tongpats’ ay pabaya siya sa tungkulin o kulang ang koordinasyon sa barangay kaya nagiging kuta ng bigtime pusher ang kanyang AOR.

Ang masaklap, si PNoy pa ang nakaupo pero si Pres. Rody na ang pinakikinggan ng PNP at mga nasa gobyerno.

Sino ang ikakanta ni Col. Marcelino?

INAABANGAN ng marami kung sino-sino ang mga ikakanta ni Col. Ferdinand Marcelino na sabit sa illegal drugs.

Tiyak na kabado ang mga umano’y nag-frame-up kay Marcelino sa isang shabu laboratory sa Maynila lalo na’t wala na sila sa kapangyarihan at hindi na nila kayang impluwensiyahan ang bagong administrasyon.

Kapuna-puna na nagsentro ang isyu kay Marcelino sa halip na tuklasin ng PDEA kung sino ang may-ari ng condo unit na naging shabu laboratory sa Felix Huertas St., Sta. Cruz, Manila at sino ang mga padrino.

Kung maihahayag nang buo ni Marcelino kung paano siya napunta roon ay saka lang mabubura ang masamang imaheng dumikit sa kanyang pagkatao.

Nagtataka ang mga Manilenyo kung bakit sa panahong si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada ang alkalde ay nagkaroon ng shabu lab sa siyudad.

Hindi kaya raw konektado ang isang may alyas na “Dragon Head” sa naturang shabu lab dahil siya rin ang  nasa likod ng operasyon ng shabu laboratory sa Araullo at Montessori streets sa Barangay Addition Hills, San Juan City na sinalakay ng pulisya noong 2003.

Sa report pa ng pulisya, sampung taon nang nag-o-operate ang shabu laboratory sa lungsod na pinaghaharian ng Estrada political dynasty sa nakalipas na ilang dekada.

Ang tanong, uubra ba ang kamandag ni “Dragon Head” sa bagsik ni Pres. Rody?

Kaso ng MPD-DAID dapat paimbestigahan ni DoJ Sec. Aguirre

DAPAT sampolan ni incoming Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang mga piskal sa Maynila sa ilulunsad na giyera kontra-illegal drugs.

Unahin niya ang kaso ng 14 na pulis mula sa Anti-Illegal Drugs Section ng Manila Police District (MPD) na nahulihan ng limang kilo ng shabu sa mismong tanggapan nila noong 2014.

Halos dalawang taon na ang lumipas pero nasa piskalya pa ang kaso.

Maging ang kasong administratibo sa MPD ay hindi na rin umusad kaya sumusuweldo pa rin ang mga pulis.

Bukod dito ay marami pa rin daw drug-related cases ang nabalewala sa piskalya ng Maynila sa panahon nang pamamayagpag ni Ma’am Arlene, ang pamosong judiciary fixer at influence-peddler.

Siguradong mabibilang lang sa daliri ang papasa sa performance audit ni Aguirre kapag nagkataon.

Nagbitiw bago masibak sa BOC

NAGBITIW na si Customs Deputy Commissioner Jesse Dellosa sa posisyon bago pa man siya sibakin sa puwesto ni President-elect Rodrigo Duterte.

Sa kanyang press release, tila may halong parinig pang sinabi ni Dellosa na hindi na raw kasi niya inaasahang ire-reappoint pa siya ni Pres. Rody.

Ang ipinagtataka kang natin, bakit kailangang pati si Pres. Rody ay kailangang padalhan ni Dellosa ng kanyang resignation letter gayong si PNoy ang nag-appoint sa kanya?

Mabuti naman at kahit paano ay nagkusang magbitiw si Dellosa sa puwesto, bagay na dapat ay noon niya pa sana ginawa.

Naturingan pa namang naging chief of staff si Dellosa ng Armed Forces of the Phils. (AFP) pero wala siyang naipamalas na himala sa Customs, lalo sa pagsugpo ng smuggling.

Pangit namang maglambitin pa si Dellosa at datnan siya ng kanyang dating subordinate sa AFP na isang non-PMAyer na si dating Marine Col. Nick Faeldon, ang bagong uupong Customs chief na itinilaga ni Pres. Rody.

Nang dumapo si Dellosa sa BOC ay inakala nang marami na magkakaroon ng magandang pagbabago lalo na’t nagsumite pa siya ng listahan ng bigtime smugglers kay PNoy.

Mula nang makarating sa Palasyo ang listahan ay wala tayong nabalitaan na isa man ay nakasuhan ni Dellosa.

Tsk, tsk, tsk parang Oplan Pakilala lang ang nangyari.

Nang matukoy na ang bigtime smugglers ay nabura na sila sa “Order of Battle” ni Dellosa.

Bilang dating rebeldeng sundalo ay umaasa ang publiko na iba si Faeldon sa ex-mutineers na nang nabigyan ng break sa BOC ay nagka-amnesia sa mabuting simulain kontra-korupsiyon.

Ang pagbibitiw ni Dellosa ay katumbas na ngayon pa lang siya makapaglilingkod sa bayan kung sakali.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *