Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

KathNiel, parang Hollywood stars kung pagkaguluhan sa ibang bansa

NAIINTINDIHAN namin kung bakit may ipinalabas na restrictions ang Star Cinema para sa shooting ng pelikulang pinagtatambalan ng KathNiel na kasalukuyang nasa Barcelona, Spain.

Wala kaming tutol doon at dapat lang na irespeto natin dahil ‘yun ang utos nila, tama ‘di ba? May dahilan sila kung bakit dahil unang-una ay para na rin mapabilis ang shooting ng mga eksena dahil sa pagkakaalam namin ay tatlong linggo lang ang ibinigay na time frame para sa buong pruduction to shoot.

Sana maintindihan natin na para na rin iyon sa kapakanan ng ating iniidolong Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Basta ang alam namin, ayon sa nakarating sa aming tsurorot, bawat labas ng KathNiel ay nagkakagulo ang buong Barcelona sa ating Teen King and Queen.

Pinagkakaguluhan talaga sila na para silang mga Hollywood actor huh! Kitang-kita naman natin sa ilang pics na pinagpopo-post namin mula sa ilang fans and followers.

Well, sa totoo lang, kahit ako ay excited na sa pelikulang ito ni Inang Olive Lamasan! ’Yun na!

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …