Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim chiu Xian lim

Xian, handa na sa July 9 concert

GRABE ang paghahandang ginagawa ni Xian Lim para sa kanyang concert sa July 9 sa Kia Theater entitled, A Date with Xian Lim.

Dream come true para kay Xian ang magkaroon ng sariling konsiyerto lalo na‘t mahilig itong umawit.

“Ito po ‘yung first ever na hawak ko ‘yung buong show, ‘yung buong production.

Dagdag pa nito, ”At the same time sobra akong kinakabahan na nabigyan ako ng opportunity na ganito and at the same time ito ‘yung pangarap ko na matagal na.

“So, matagal ko na talagang pinapangarap ‘to. Sabi ko, noong nagsisimula pa lang ako rito sa industry, ‘Sana one of these days ay mabigyan ako ng chance to be on stage performing for people.’

“Kasi iba yung pakiramdam na pupunta talaga roon ‘yung mga tao to support you, mabigyan mo sila ng magandang performance, maski sayaw pa ‘yan. Sasayaw ako roon.

“Medyo may pagka-ballad ‘yung theme niya, actually naroon pa kami sa pagpa-finalize ng songs.

“Guaranteed na I will be giving my best and supporting naman po riyan ang Star Records and Star Events,” mahabang paliwanag ni Xian.

Sigurado na ba ang pagdalo ng ka-loveteam niyang si Kim Chiu?

Aniya, ”Hanggang ngayon kinukulit ko pa rin siya despite her busy schedule. But for sure nandoon naman yata siya.”

Umaasa si Xian na abangan ng kanyang mga tagahanga ang concert na ito dahil tutugtog siya sa isang grand piano at makakasama niya ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …