PANAY daw ang date ngayon ng isang poging male star at isang maganda rin namang female star. Kung titingnan mo, lalo na sa kanilang mga social media posts, mukhang sila na nga.
Pero natawa kami sa reaction ng isang sinasabing “ex” ng poging male star. Sabi niya, “hintayin lang niya na makakita iyan ulit ng isa pang pogi, ewan ko lang kung hindi rin siya iwan niyan”. Totoo ba na ang talagang hanap ng poging male star ay isa ring pogi?
Marami ang nagsasabing totoo ang sinasabi ng “ex”.
(Ed de Leon)