Friday , November 15 2024

Tama ang pangulong Rody Duterte (Part 2)

SINO pa ang iyong lalapitan sa gobyerno kung halos lahat ay may bahid na pagdududa ang taongbayan.

Noon pa man sinasabi na naming nang paulit-ulit sa mga nakaraang isyu ng diyaryong HATAW, na hindi magtatagumpay ang drogang shabu sa ating bansa kung walang patong at padrino na opisyales ng pulisya, journalist, huwes, piskal, presidente, at iba pa na puwedeng maging salot ng lipunan.

RA 7659 death to drugtraffickers. Bakit? May nabitay na ba? WALA! Maraming pinatakas, oo!

Ang daming heneral na naging milyonaryo sa batas na ito. Tanong lang po muli, kanino napunta ang mga ari-arian ni Lim Seng? Ang drug trafficker na isinalang sa firing squad noong panahon ng Martial Law ng diktaturyang Marcos. Sangkatutak ang kanyang mga salapi at ari-arian. Sino-sinong Heneral ang nakadugas sa mga ari-arian ni Lim Seng?

Inutil ang kampanya ng gobyerno hangga’t buhay ang mga demonyong salot na opisyal ng pamahalaan na patong sa mga drug lord. Hangga’t buhay pa rin ang mga @#$%^&*()! hindi mababawasan ang mahigit na 15 milyong drug addict sa Filipinas.

Bayan, doble ito lagi. Ang tendency ng isang drug addict ay magtulak para makalibre siya sa konsumo niyang shabu na rararatratin araw-araw. Kaya hindi mababawasan ang talamak na drug addict.  Bagkus ay madodoble araw-araw.

Tungkol naman sa mga kilo-kilong shabu na nakompiska, kadalasa’y hindi idineklara ang tunay  at tamang nasamsam ng mga tiwaling opisyal ng PDEA at ng pulisya. Sinisikwat na nila ang ilang kilong shabu.

Isipin naman kung ang market value ng class A na shabu ngayon, lalo na’t kristal ay isang  kilo lang  mabilis sa P3 milyon, depende sa uri ng demand.

Limang kilo lang ang masikwat, cold cash na P15 milyon. Pagdating sa Crime Laboratory, may ilang tiwaling opisyales ng pulisya ang babanat naman nang pasalisi. Kadalasa’y pinapalitan ng tawas at sila mismo ang nagbabalik sa lansangan sa pamamagitan ng kanilang asset na drug pusher. Period. @#$%^&*()! ninyong lahat at @#$%^&*()! pa ninyo!

Mga Salooot!!!!

***

Isang maalab na pagbati po bayan ng maligayang kaarawan nitong June 8, araw ng Miyerkoles, ibig iparating ni Ka Abner Afuang sa aming minamahal at pinagpipitaganang  HATAW publisher, formerly NPC President and ALAM national chairman, Jerry S. Yap.  May your tribe multiply and most of all, sana bigyan ka pa ng mahabang buhay  ng ating Poong Maykapal. Amen.

***

UGALIING manood sa Royal Cable TV6 tuwing Martes at Miyerkoles 10:30am to 12noon sa TV Program ma “KASANDIGAN ng BAYAN” ni Mayor Abner L. Afuang  with TV station manager Cris Sanji. Maraming salamat po. Godspeed.

About Abner Afuang

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *