Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon, handa na kay Gabby

IPINAGMAMALAKI ng megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang social media account na halos 50 pounds na ang nabawas sa kanyang timbang. Talagang pinaghahandaan niya ang pelikulang muli nilang pagtatambalan ni Gabby Concepcion na magsisimula na raw ang shooting sa August.

Matagal na namang nakahanda ang pelikulang iyan. Katunayan nga nasabi na ni Sharon na gagawin niya iyan matapos siyang pumirma ulit ng dalawang taong exclusive contract sa ABS-CBN. Iyon namang balik ni Sharon na iyon sa ABS-CBN, ay walang dudang isang career move para muling sumigla ang kanyang career na parang matagal din namang natulog.

Siguro nga good choice na si Gabby. Kung natatandaan ninyo, iyong unang pelikula ni Sharon ay naging isang napakalaking hit, iyong Dear Heart, at ang leading man niya roon ay si Gabby. Iyong ikalawang pelikula niya, na siyang unang pelikula namang ginawa ng Viva, dahil hindi makagawa ng follow up movie agad ang Sining Silangan noon ay iyong PS I LoveYou, na si Gabby din ang leading man.

Tapos niyon, inihiwalay muna si Sharon kay Gabby, at medyo bumaba ang kanyang career, hanggang sa nilampasan siya ng mga pelikulang bold na nauso noon. Muli kinuha nila si Gabby bilang leading man niya sa Dapat Ka Bang Mahalin, at naibalik si Sharon sa pangunguna sa takilya.

Ngayon na sinasabing matagal na natulog ang career ni Sharon, na nagsimula noong hindi na siya masyadong naging aktibo matapos na isang taong mawala pa, dahil sinamahan niya ang kanyang asawa na nag-aral sa Amerika, siguro nga kailangan ang isang Sharon-Gabby movie ulit.

Pero ang tiyak na itatanong, nariyan pa ba ang napakaraming Sharon-Gabby fans? Baka naman maging parang Nora Aunor lang iyan? Well, ang plano naman ay may isasama raw sa kanila na isang sikat na young love team. Sana ang isama sa kanila ay iyong Jadine.

Dalawa na lang naman iyang naglalaban sa popularidad ngayon, iyong AlDub na hindi naman siguro nila makukuha, at iyong JaDine na nasa kanila na. Iyong ibang mga love team naman kasi nila, parang tagilid ngayon ang popularidad at mahirap isugal kasama sina Sharon at Gabby.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …