Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Movie ni Teejay, dinumog ng Indonesian fans

MATAGUMPAY ang premiere night ng pelikula ni Teejay Marquez sa Indonesia entitled Dubsmash the Movie last June 2 at noong June 9 naman ang regular showing.

Sobrang happy ni Teejay nang maka-chat namin sa Facebook, ”Sobrang saya ko, kasi sobrang dami ng tao ang nanood.

“Hindi ko naranasan sa Pilipinas ‘yung ganito kalaking premiere night na ako ‘yung bida.

“Sana maipalabas din ito sa Pilipinas para mapanood ng mga kababayan natin.

“Iba pala ‘yung feelings na na-appreciate ka ng hindi mo mga kalahi, iba ‘yung achievements,”  mahabang paliwanag ni Teejay.

Dahil sa success ng  pelikula, may naka-line up nang gagawin si Teejay at hindi lang pelikula dahil magbibida rin ito sa isang once a week drama show.

Bukod pa rito, ang kanyang regular teleserye ay puwedeng tumagal ng tatlong taon depende sa ratings.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …