MAAYOS ang pagkakakilala namin sa personalidad nitong si Enchong Dee sa showbusiness. Tahimik ang pribadong buhay. May breeding at marunong kumilala ng entertainment media.
Nabiyayaan ng magandang mukha at higit sa lahat ay marunong umarte, mapa-pelikula o telebisyon.
Lately ay inilunsad siya bilang isa sa mga host ng isang show na sa totoo lang ay hindi bagay sa kanya. Feeling ko ay lalong mawawalan ng career ang binata. Kasi, for the past months or year na yatang walang serye ang binata. Mukhang nagpapahiwatig na ba siyang pahinga na siya sa pag-arte? Pero kumakanta naman siya? Bakit nga ba hindi na nasundan ang huling serye ni Enchong? Anong nangyari? May sinusunod bang career pattern ang sikat na aktor? Kagustuhan ba nito ang nangyayari ngayon sa kanyang career?
Nakalulungkot lang dahil bakit hindi nabibigyan ng magandang projects si Enchong the fact na Star Magic artist naman siya?
Dapat inilagay nalang siya sa isang sports channel the fact na isa naman siyang good swimmer, hindi ba? Kakaloka lang!
REALITY BITES – Dominic Rea