Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Claudine, naospital at kailangang operahan

NAOSPITAL daw at sumailalim sa isang operasyon si Claudine Barretto. Hindi naman niya sinabi sa kanyang social media post kung ano talaga ang sakit niya at kung ano ang ooperahan sa kanya. Basta ipinakita lang ang picture niya sa isang ospital. Ni hindi sinabi kung saang ospital iyon, na natural lang naman siguro dahil gusto niyang mapanatili ang kanyang privacy.

Kung ganyang masasakitin na si Claudine, palagay namin mahihirapan na siyang mag-artista pa. Kahit na sabihin ngang may kasunduan na ngayong hindi maaaring pahabain pa sa 12 oras ang trabaho ng mga artista, palagay namin mahihirapan pa rin siya. Dapat siguro asikasuhin muna niya ang kanyang kalusugan bago siya sumabak sa trabaho.

May mga usapan na ngang ganyan eh, kaya raw mabilis na tinigbak ang kanyang serye na inaasahan pa namang magbabalik ng kanyang popularidad, may mga taping na hindi niya nasisipot dahil may sakit siya. Siyempre bukod pa rin iyon sa katotohanang hindi nga iyon kinagat ng mga tao at nanatiling “nasa laylayan” lang ang ratings nila.

Noon naman kasing walang ginagawang trabaho si Claudine, nasangkot siya sa kung ano-anong controversy at demandahan. Una iyong awayan nilang magkakapatid, tapos iyong naging problema rin nila ng kanyang asawang siRaymart Santiago. Mabuti si Raymart hindi masyadong apektado at ipinamahala na lang ang lahat sa legal procedure, pero si Claudine masyadong emotional kaya siguro naapektuhan lalo ang kanyang kalusugan.

Sa ganyang sitwasyon, parang napakahirap nang sabihing makakabawi pa si Claudine sa kanyang nawalang popularidad. Palagay namin mas magandang gayahin na lang niya ang kanyang kasabayang si Judy Ann Santos na nakuntento na lang sa pagiging housewife.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …