Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice Ganda, ‘di nakapag perform dahil sa malakas na ulan

HINDI rin nakapag-perform si Vice Ganda sa victory party ni President elect Digong Duterte. Noong magsisimula na siya ay nawalan ng ilaw sa mismong venue, kasunod ng napakalakas na ulan. Kumaway na lang siya sa mga taong naroroon.

Noong una nga raw, tinitiniis ng mga tao ang malakas na buhos ng ulan at nanonood sila sa mga performer, pero nang magkaroon na ng problema sa koryente, nawala na ang sound system at ang mga ilaw sa venue, ano pa nga ba ang gagawin nila.

Iyon pa naman ang sinasabi nilang finale number sana, iyong performance ni Vice Ganda. Isipin mo, sinasabi nila mga kalahating milyong tao ang naroroon. Tapos hindi rin naman siya nakapag-perform. Iyon sana ang biggest crowd para kay Vice Ganda.

Ganoon  lang talaga ang buhay. Kung sabihin nga nila weather-weather lang. Eh nagkataong tinamaan sila ng masamang weather, hindi na natuloy ang victory party na dapat sana talaga hanggang madaling araw.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …