Monday , January 6 2025

Amazing: Gravedigging championship sineryoso sa Hungary

SA libingan sa Hungary, ang tahimik na pagmumuni-muni ay isinantabi muna para sa paligsahan na nilahukan ng mga sepulturero upang patunayan na sila ang pinakamabilis at pinakamagaling sa nasabing larangan.

Hinintay ng 18 two-man teams ang opisyal na pagsigaw ng “Start!” bago sinimulan ang paghuhukay nang mabilis para sa wastong ‘regulation-size grave’.

“I don’t think this is morbid,” pahayag ni Hungarian Undertakers’ Association’s deputy chairman, Zoltan Juracsik, sa Reuters, sa national grave-digging contest sa wooded cemetery sa Debrecen, ang Hungary’s biggest city kasunod ng Budapest.

“This is a profession, and the colleagues who toil in competition today are proud and deserve our respect,” pahayag ni Juracsik.

Wala pang kalahating oras, ang local team, maaaring dahil sa home advantage, ang unang nakatapos sa paghuhukay. Habang ang iba ay umabot nang halos isang oras

Ang mga hukay ay hinatulan ayon sa linis ng pagkakagawa at kung nakasunod sila sa regulation size: 200 cm long, 80 cm wide and 160 cm deep (7 feet by 2 feet 7 inches by 5 feet).

Ang nanalong team ay may pagkakataong lumahok sa international tournament laban sa Poland, Slovakia at Czech Republic.

Ang paligsahan ay naglalayong gawing prestihiyoso ang pagiging sepulturero at makahikayat ng mga tao para sa nasabing trabaho sa maliliit na libingan na hindi kayang pasukin ng mechanical diggers.

Kabilang sa mga kalahok si Csaba Halasz, 21, nagsimula sa trabaho bilang summer job makaraan ang high school. Bagama’t siya ay nagtapos ng degree sa physical education, nanatili siya sa nasabing trabaho.

“This job chose me,” ayon kay Halasz. “It’s hard but it’s worth it. Relatives come and thank me every time. The profession just lured me in.”

(THE HUFFINGTON POST)

About hataw tabloid

Check Also

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *