Friday , December 27 2024

Kanino nanghihiram ng kapal ng mukha ang ilegalistang mangkukulam ‘este mangkokolum?

AYAW tayong tantanan ng isang matandang ulupong.

Minsan nating binigyan ng pagkakataong magkaroon ng espasyo sa ating diyaryo sa pakiusap ng isang kaibigan ang nagpapanggap ngayong mangkokolum pero isa palang ‘mangkukulam.’

Nagagawa pa ngayong umastang isang mamamahayag ang isang certified na ‘mambabayag’ sa Mehan Garden at reyna ng illegal terminal sa Lawton.

Sa pamamagitan ng isang arkiladong manunulot (hindi manunulat) na nagpapakilalang media-betes para makabuo ng mga haka-haka at pinagbulid-bulid na buhangin, ipinagmamalaki ng certified na mambabayag sa Mehan Garden na certififed mangkukulam ‘este’ mangkokolum na rin daw siya.

Bantad na sa lahat ang tigas ng sikmura ng opisyal na mambabayag sa Mehan Garden, pero lalo pang tumigas pati na ang mukha dahil nagbabayad ng espasyo sa isang tabloid!

Kaya nga tuwang-tuwa ang ‘multong manunulot’ na inaarkila ng certified na mambabayag sa Mehan Garden, kahit wala siyang trabaho ay paldong-paldo ang kanyang bulsa.

Sa totoo lang, mismong ang multong manunulot ang nagpupuslit ng impormasyon para maupakan ang umaarkila sa kanyang certified na mambabayag sa Mehan Garden.

Habang inuupakan kasi ang kanyang amo lalong tumitindi ang pangangailangan sa kanya ng certified mambabayag sa Mehan Garden.

Kaya lalo siyang nagkakapera sa katas ng illegal terminal.

Inaarkila siya para bumuo ng mga haka-haka at pinagbulid-bulid na buhangin at presto mambabayag ‘este’ mamamahayag na raw siya.

E sa totoo lang isa siyang certified na mambabayag sa Mehan Garden, since time immemorial.

Marami rin naman siguro siyang napaligayang ligaw na bayag sa Mehan Garden.

Tsk tsk tsk…

Subukan mong hindi makapagbayad sa ‘diyaryo’ mo ngayon, tingnan natin kung lumabas ang mga haka-haka at pinagbulid-bulid na buhangin ng iyong arkiladong manunulot.

Kaya tigilan mo ang kakokompara mo sa iyong sarili sa hanay ng mga mga mamamahayag — because you are nothing… you are not a copy cat, not even a second rate… because you do not belong!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *