Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arnel, bina-bash ng mga anti-martial law

BINA-BASH naman ngayon sa social media si Arnel Ignacio. Dahil iyon sa kanyang ginawang video na nagbibigay siya ng opinion tungkol sa nakaraang eleksiyon. Ang nakatatawa, iyong karamihan sa mga nagba-bash kay Arnel ay mga taong nanggagalaiti noon at nagsasabing walang “freedom of expression” dahil sa martial law. Ngayon wala namang martial law, pero bakit hindi nila pabayaan ang freedom of expression ni Arnel?

Kung ayaw ninyo ng sinasabi niya, i-unfollow ninyo siya. Kami ganoon ang ginagawa namin. Basta mga post na ayaw naming makita, bina-block namin para di makunsume. Natural lang kasi iyong may kanya-kanyang opinion ang mga tao. Kung sa opinion ninyo malinis ang eleksiyon eh ‘di gumawa rin kayo ng sarili ninyong video at i-post ninyo. Iba ang opinion niya eh, kaya igalang naman natin iyon at ang karapatan niyang magpahayag ng kanyang saloobin.

Kagaya rin naman iyan noong nasasabi kung minsan na lubog na ang isang matinee idol, aba nagwawala ang kanyang fans. Eh kung sa opinion ng iba ay lubog na siya dahil hindi na nga siya napag-uusapan at wala nang interest sa kanya ang publiko, maliban na lang sa kanyang  fans, patunayan dapat ng fans niya na sikat siya. Gumawa sila ng hit na pelikula. Gumawa sila ng seryeng mataas ang ratings. Hindi mababago ng pamba-bash nila sa mga may ibang opinyon ang katotohanan.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …