Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baron, binantaan si Kiko Matos

MATAPOS na maging viral iyong isang video na nakitang sinapak ng indie male star na pinangalanang Kiko Matos si Baron Geisler, matindi ang naging sagot ni Baron sa isang tv interview. Hinamon niyang magkita sila ulit sila ni Matos. Sinabi niyang hindi pa sila tapos at naroroon ang pagbabantang “bibigwasan kita.”

Hindi pa natatagalan, lumabas din ang video ng isang film student mula sa UP na sinapak naman ni Baron, dahil umano sa hindi noon napaipadala ang script niyong gagawin sana nilang film. Pagdating sa set, wala siyang dinatnang script at sa halip ay isang idiot board ang ipinakita sa kanya. Napikon siya at sinapak niya ang estudyante.

Natatandaan namin, may nakita rin kaming video noon na nagwawala si Baron at hinahamon ang mga bouncer sa Skylark Disco sa Angeles City matapos na hindi siya papasukin dahil mukhang lasing na nga siya at dahil sa naging reputation nga niyang nagwawala siya kung lasing.

Marami pang mga kasong wala namang video, pero nauwi sa mga kasong legal laban kay Baron. Kaya siguro kahit na ano nga ang sabihin niya at ng mga manager niya na unfair ng mga taong nag-aakusa kay Baron sa tuwing may kaguluhan siyang kinasasangkutan, aba eh isipin muna nila. Ilan bang gulo na ang kanyang nasangkutan na halos pare-pareho ang nangyari?

Hindi namin kaibigan iyang si Baron. Lalong hindi naman namin kilala iyong Kiko Matos. Hindi pa yata namin nakikita iyon dahil hindi naman kami nanonood ng mga indie films. Pero kung hindi sila mapakakalma at kung magkikita nga sila ay posibleng magbigwasan na naman sila, na posibleng makunan na naman ng video at lumabas sa social media, aba eh hindi na maganda iyan. Tiyak na basta nagkita sila, marami na ang mag-aabang na may hawak na video cameras o cellphones para mai-document ang kanilang sapakan. Hindi maganda iyan. Maliit lang ang showbusiness.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …