Friday , November 15 2024

2 Ex-Erap officials sa Duterte cabinet

KURSUNADA ni incoming President Rodrigo “Rody’ Duterte na italaga ang dalawang dating opisyal ng Estrada administration sa kanyang gabinete.

Sa Department of Education gusto ni Pres. Rody ilagay si dating National Treasurer Leonor Briones habang sa Department of Budget and Management (DBM) naman si dating DBM Secretary Benjamin Diokno.

Si Diokno, sa pagkakaalam natin, ang itinalaga ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada kapalit ni Leni De Jesus bilang pangulo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Maraming dumaraing na estudyante at mga guro laban sa masamang pamamalakad ng mga naitalagang opisyal sa PLM.

May ilan tayong kaibigan na may reserbasyon sa dalawang opisyal, lalo’t mantsado ng katiwalian ang rehimeng Estrada.

Pinatalsik si Erap ng EDSA People Power 2, inaresto, isinailalim sa house arrest at nahatulang guilty sa kasong pandarambong pero wala yata tayong narinig na kinondena nina Briones at Diokno ang dati nilang amo kahit na ang kasong pandarambong ang pinakamataas na antas ng pagnanakaw sa gobyerno.

Pero sa mga sumunod na administrasyon na hindi sila nakaupo ay napakaingay nilang dalawa na animo’y hindi nagsilbi sa administrasyon na napatunayang mandarambong.

Hanga sana tayo sa adbokasiya ng dalawa na “good governance” kung ang kanilang ginawa nang nakaupo sila’y nasa gobyerno baka sakaling hindi napatalsik ang kanilang amo.

Ngayong may popular na pangulong napili ang sambayanang Filipino at malaki ang inaasahan kay Pres. Rody ng taong bayan na masugpo ang korupsiyon, puwede ba nating maasahan sina Diokno at Briones na hindi kumibo sa pag-aabuso sa kapangyarihan at pandarambong ni Erap?

Tsk, tsk, tsk!!!

Chairman Morato ibalik sa PCSO!

KUNG gusto ni Pres. Rody na ilagay sa ayos ang pananalapi ng gobyerno at mapaglingkuran talaga ang mahihirap, si Manoling Morato ang dapat niyang ibalik bilang chairman ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa panahon ni Morato sa PCSO noong administrasyong Ramos ay tunay na napagserbisyohan ang mga maysakit at kapansanan.

Hindi na kailangan pa ng endorsement ng politiko sa maysakit, may libreng wheelchair ang may kapansanan, naipalilibing nang libre ang mga maralita at maging ang mga local na pamahalaan ay napagkalooban pa ng ambulansiya kahit sa panahon na isang draw pa lang ang lotto.

Ngayong santambak na ang lotto draw, may small town lottery at may mala-bingo pang KENO ay barya na lang ang naitutulong ng PCSO sa maysakit at sandamukal na papeles pa ang gustong ipresinta nila bago mabigyan ng kakarampot na ayuda.

Para wakasan na ang penetensiya ng mga dapat tulungan ng PCSO, ang sagot dito ay si Morato!

Subukan sa DSWD si VP Leni Robredo

TINIYAK ni incoming Vice President Leni Robredo na todo ang kanyang suporta kay president-elect Rody.

Sa malawak na karanasan ni Robredo sa pagsisilbi sa mga maralita bilang Public Attorney’s Office (PAO) at non-government organization (NGO) lawyer ay puwede siyang subukan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa DSWD ay maaaring ipakita ni Robredo ang tunay na pagmamalasakit sa mahihirap at hindi tulad ng ilang mga nakaupo sa Aquino administration na tila ginawang hanapbuhay ang sakuna at kalamidad (kahit itanong pa kay Dinky.)

Wala namang record si Robredo o ang kanyang yumaong esposong si Jesse na nagnakaw sa kaban ng bayan kaya tiyak na makararating sa mga maralita ang mga biyaya mula sa gobyerno kapag siya ang iniluklok sa DSWD.

Desperadong umepal kay Pres. Duterte

KAWAWA naman si Manila “impostor mayor” Joseph “Erap” Estrada dahil nagpagawa pa ng malaking tarpaulin na ipinakabit sa Taft Ave., at ilang malalalaking lansangan na bumabati sa pagwawagi ni Pres. Rody.

Wala na talagang natitirang kahihiyan si Erap kahit na ininsulto niya noong kampanya at sinabihan na pang-Davao lang at walang finesse sa babae.

Si Sen. Grace Poe ang inendosong presidentiable ni Erap, habang ang kerida niyang si Guia ay si Mar Roxas at ang anak namang si Sen. JV ay si VP Binay ang ikinampanya.

Pero, lahat ng manok na ikinampanya ng kanilang pamilya ay talo.

Tiyak naman na hindi kaila kay Pres. Rody na hindi totoong nanalo sa eleksiyon sina Erap at Guia kaya ganoon na lang ang pagsusumikap ng sentensiyadong mandarambong na makadikit sa bagong pangulo.

Balita nati’y isinugo pa raw ni Erap sina ER Ejercito at Sen. JV sa Davao City pero hindi yata nakaharap si Pres. Rody.

Sumemplang sa pagmumukha ng sentensiyadong mandarambong ang kanyang kahambugan.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *