WALANG panahon ang Queen Mother Karla Estrada na patulan ang mga isyung ibinabato sa kanilang mag-anak. Hindi na ito ang panahon para patulan pa ang naiinggit sa mga biyayang natatanggap ng kanyang pamilya kundi panahon ito para magpasalamat at magdiwang sa mga biyaya.
Hindi na rin healthy pa ang patulan ang mga akusasyon sa anak niyang si Daniel Padilla. May mga legal actions nang ginagawa ang kanilang lawyer at ayaw nang magsalita pa in details ng actress/TV host.
Pagtutuunan na lang daw ng aktres ang kanyang trabaho at magpasalamat sa mga taong nagbibigay ng ningning at tiwala sa kanilang mag-iina. ‘Yun na!
Mismong si Queen Mother ay excited na rin sa pelikulang ginagawa ngayon ng KathNiel. Kakaibang movie raw ito compared sa mga ginawa na ng dalawa kaya abangan nating lahat guys.
Excited na rin po kami! Yihey!
REALITY BITES – Dominic Rea