Monday , January 6 2025

Feng Shui: 5 tips sa pagbabawas ng timbang

NAHIHIRAPAN ka bang iwaksi ang masamang bisyo o sa pagsasagawa ng improvements sa iyong buhay?

Kadalasang ang problema ay iniisip nating dapat natin itong isagawa nang mabilisan. Nagtatakda tayo ng unrealistic goals, o nagbubuo ng plano na maaaring makatulong sa atin sa pagpapatupad ng ating layunin – kung ating matututukan, na mababatid nating hindi nating magagawa.

Halimbawa, kung ang hangarin ay magbawas ng timbang, at nagdesisyon kang magpatupad ng very strict diet at exercise ng dalawang oras kada araw – na sa iyong palagay ay magkakaroon ng mabilis na resulta. Ngunit hanggang kailan? Ang susi sa tagumpay – sa kalusugan, diet, pagbabawas ng timbang o ano man na nais nating magkaroon ng long-term result – ay ang pag-focus sa mga pagbabagong ating makakaya, pagbabagong ating pananatilihin.

Narito ang 5 tips upang mapanatili natin ang ating focus sa positibong pagbabago na agad magpapabuti sa iyong pakiramdam.

*Huwag ipahuhuli ang nais kainin. Maaaring ito ay nagsimula sa utos ng ating magulang na maaari nating kainin ang dessert matapos kainin ang gulay, ngunit kadalasang makaraang makain ang good staff at ipinahuli ang ating paborito, tayo ay busog na. Ngunit hindi pa rin natin hahayaang maiwan sa pinggan ang ating paborito. Sa halip, kumain muna ng kaunti ng ating paborito, at saka bumaling sa masustansyang pagkain. O kaya naman ay huwag magluluto ng pagkaing hindi mo magugustuhan – pumili ng healthy choices na iyong nais kainin.

*Gumawa ng listahan, at bumuo ng diet na isasama sa listahang ito. Gumawa ng listahan ng iyong paboritong pagkain sa bawat category – protein, slow-burning carbs, vegetables, etc. At pagkaraa’y magbuo ng healthy meal plan mula sa mga pagkaing ito, kabilang ang kahalating pinggang gulay, 3 oz. ng karne, manok o iba pang protein, at isang tasa ng whole grain carbohydrates.

*Kainin ang gustong kainin. Sino ba ang nagsabing ang dinner ang dapat na maging largest meal? Kung nais mo ng healthy breakfast, ito ang kainin mo. Matagal kang magiging busog at hindi matutuksong kumain ng mid-morning snack. Ang ilan naman ay kumakain ng dinner-style foods sa tanghalian, at kakain ng lighter meal sa gabi. Habang ang iba naman ay nagpapatupad ng six small meals kada araw, na nagpapalakas ng metabolism at nakatutulong sa pagbabawas ng timbang.

*Mag-focus sa iyong pagkain. Kumain sa uninterrupted area, na maaari kang mag-focus. Iwasan ang pagkain habang nagtatrabaho, nanonood ng TV, o kung may ginagawa kang aktibidad na makasasagabal sa iyong pagkain. Ituon ang pansin sa lasa, amoy at textures ng pagkain. At kumain nang dahan-dahan. Aabot ng 15 minuto bago makarating sa utak ang signal na ikaw ay busog na, kaya huwag magmamadali sa pagkain at hintayin ang signal na kailangan mo nang tumigil dahil busog ka na.

*Pumili ng exercise na epektibo sa iyo. Kung nakararamdam ka ng joint pain, at hindi muscle burn, kailangan mo nang tumigil. Maaaring mali ang pagsasagawa mo ng exercise o hindi ito ang nararapat na ehersisyo para sa iyo. Gayondin, kung hindi ka nag-e-enjoy sa exercise, hindi mo na ito itutuloy. Mag-isip ng ilang mga aktibidad na iyong gusto at tiyaking makagagawa ka ng kahit 20 minutong physical activity tatlong beses kada linggo – o higit pa kung kaya mo.

ni Lady Choi

About hataw tabloid

Check Also

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *