Monday , January 6 2025

70-anyos lola nagsilang ng sanggol

WALANG kuwestiyon na si Daljinder Kaur ay kabilang sa pinakamatandang mga ina sa mundo, ngunit hindi pa batid kung gaano na talaga siya katanda.

Si Kaur ng Amritsar City, India, ay isinilang ang kayang unang sanggol nitong nakaraang buwan sa tulong ng in-vitro fertilization.

Ang sanggol na si Arman Singh, ay isinilang noong Abril 19.

Itinala ng bagong ina na siya ay 70-anyos, ngunit ayon sa clinic kung saan siya nagsilang, ang ibinigay niyang edad ay 72, ayon sa AFP.

Hindi na mahalaga kung ano ang eksakto niyang edad, ngunit ang sanggol ang sagot sa ilang dekada nang pagdarasal ni Kaur at ng kanyang mister na si Mohinder Singh, 79-anyos.

“I feel blessed to be able to hold my own baby. I had lost hope of becoming a mother ever,” pahayag ni Kaur sa AFP. ”I used to feel empty. There was so much loneliness.”

Sinabi ni Singh, nagdesisyon silang mag-asawa na sumailalim sa fertility treatment isang taon at kalahati na ang nakararaan.

“Due to a family feud we never focused on our dream to become parents,” pahayag ni Singh sa Barcroft TV. “In September 2014, my wife gave me an ultimatum and said she would go the National Fertility and Test Tube Baby Centre in Hisar, Haryana, independently if I did not accompany her.”

Sinabi ng mga doktor, masyado nang matanda si Faur at iminungkahi ng mga kaanak na ang gagastusin sa proseso na tinatayang  aabot ng $14,448 ay makabubuting gamitin na lamang sa pag-aampon ng batang higit na nangangailangan ng kalinga.

Gayonman, itinuloy pa rin ng mag-asawa ang kanilang plano.

“I never wanted to adopt a child as I was unsure if I would be able to love it like my own, hence I was keen to give birth to a baby myself,” pahayag ni Kaur sa Barcroft TV.

Nabuo ang sanggol sa sinapupunan ni Kaur gamit ang donor eggs mula sa fertility clinic, dahil siya ay 20 taon nang post-menopause.

Ang panganganak nang post-menopause ay naging karaniwan na sa India, ayon sa The Telegraph, dahil sa pagiging mura ng proseso at ‘unregulated practice’ ang IVF treatments

Sa simula, atubili ang fertility doctor ni Kaur na si Anurag Bishnoi, na payagan ang ginang na sumailalim sa IVF, ayon sa Guardian.

Nang mabatid na maaari na siyang magdalantao, sinimulan na nila ang proseso, ayon sa SBS.com.au.

Sa kasalukuyan, pinasususo ni Kaur ang sanggol at planong ipagpatuloy ito hanggang maaari, ayon sa Barcroft TV.

Sa kabila nang nararanasang saya sa pagiging bagong magulang, walang plano si Kaur na ulitin ang proseso.

“I think I’d die if I try for another kid and wouldn’t be able to enjoy my precious Arman,” aniya.

Gayonman, hindi si Kaur ang pinakamatandang babaing nagsilang.

Ang karangalan ay napunta kay Rajo Devi Lohan, noong 2008 ay nagsilang sa kanyang anak na babae sa gulang na 74, ayon sa New York Daily News. (THE HUFFINGTON POST)

About hataw tabloid

Check Also

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *