Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn, crush ni Darren

CHILDHOOD crush pala ng mahusay na singer na si Darren Espanto ang Kapamilya Teen Queen na si Kathryn Bernardo kaya naman isa ang dalaga sa gustong makapareha o makatrabaho kapag pinasok na ang pa-arte.

Tsika ni Darren nang makausap namin sa PEPS Salon, “Kahit hindi ko po maging partner gusto ko lang makatrabaho si Ate Kathryn.

“Kasi she’s been my childhood crush since Goin’ Bulilit pa lang at sobrang bata pa po ako noon.

“Tapos napapanood ko po siya sa TFC sa ‘Super Inggo’ pa lang crush ko na po siya roon.

“First time ko siyang nakita sa ABS-CBN compound nahiya ako sa kanya.

“Magkasama pa sila noon ni Kuya Daniel sa Hallway nag-hi lang po siya sa akin parang na-starstruck talaga ako.

“Parang alam niya pong taga-‘Voice Kids’ season 1 ako noon, hindi pa kasi tapos ang ‘The Voice’ that time.

“Sabi niya goodluck sa amin, ‘yun po talagang na-starstruck ako sa kanya.”

Alam ba ni Kathryn na crush mo siya?

“Hindi ko po alam, pero si Tita Min (mother of Kathryn) alam niya po yata.

“’Pag nagkikita po kami lagi binabati ko rin siya parang it’s weird kasi rati pinapanood ko lang siya tapos ngayon kilala na rin niya ako.”

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …