Friday , November 15 2024

Landslide na panalo ni Lim niyari sa landslide na daya

MULING ipinakita ng sentensiyadong mandarambong ang lakas ng impluwensiya ng kuwarta sa halalan.

Ilang buwan nang walang habas kung lumabag sa election laws ang kampo ng sentensiyadong mandarambong kabilang rito ang pamumudmod ng pera sa barangay officials at pamimigay ng mga computer tablet sa mga teacher.

Ito’y sa kabila ng memorandum ng DepEd sa mga teachers na ipinaalala sa kanila na bawal ang tumanggap ng anomang bagay o pera at regalo sa sinomang kandidato upang hindi makompromiso ang kanilang integridad bilang board of election inspectors (BEI).

Desperado kasing mangunyapit sa Maynila ang taga-San Juan City at alam niyang tiyak na palalayasin na siya ng mga Manilenyo ngayong eleksiyon, lahat nang pandaraya ay kanyang ginawa.

Hindi lang pamimili ng boto, marami ang mga nagduda na sa oras ng halalan ay biglang nasira ang vote counting machines (VCM) sa mismong mga lugar na itinuturing na baluwarte ni Mayor Alfredo Lim.

Gaya na lamang sa Rosauro Almario Elementary School na ginawang mano-mano ang pagboto ng VCM matapos bumoto si Lim.

Tinatayang may 20,000 ang botante sa naturang paaralan.

Sa umpisa ng bilangan ng boto noong Lunes ay unang lumabas na resulta sa TV ay mahigit 700 ang boto ni Lim at 400 si Estrada.

Sumunod, dakong alas-7 ng gabi, ang ipinakitang resulta ay 325,178 si Lim, 162,677 si Erap.

Landslide ang panalo ni Lim at kung tutuusin ay mahirap nang madaya ang agwat ng kanyang boto kay Erap.

Pero biglang natigil ang bilangan nang mahigit isang oras at pagbalik ay naging 253,225 si Lim at 254,760 si Erap.

Bandang huli, may inilabas pang resulta ang telebisyon na nagkapantay-pantay ang bilang ng boto ng magkakatambal na kandidato.

Akalain n’yo, si Amado at Asilo ay nakakuha ng parehong bilang ng boto at sakto ang numero na walang ipinagkaiba sa larong pares-pares sa baraha!

At sa nilawak ba naman Filipinas ay sa Rizal Memorial pa magkaroon ng brownout!

Bakit bumagsak ang boto ni Lim at tumaas ang kay Erap na parang ispageting pataas, ispageting pababa?

Mistulang naperdigana tuloy ang mga boto ni Lim na kinain ni Erap.

Napuna rin na may mga makina na inihatid sa Rizal Memorial canvassing sakay ng mobile patrol ng Manila Police District (MPD), puwede ba iyon?

 Ayaw rin papasukin sa canvassing sa Rizal memorial ang supporters ni Lim at pawang mga operator lang ni Erap ang pinapayagan.

Mabilis pang natapos ang tuloy-tuloy na paglabas ng resulta sa national kompara sa lokal na bilangan.

Una pang nabilang ang milyon-milyong boto ng presidentiables, vice presidentiables at senador kaysa Maynila.

May landslide na rin pala pati sa pandaraya!

High-tech ang dayaan sa automated elections

DAHIL automated na ang halalan ibig sabihin ay high-tech na rin ang maniobrahan para makapandaya.

Kamakalawa, ilang beses na naunsiyami ang pag-transmit ng mga boto dahil pawala-wala raw ang signal, pero hindi pala ganoon lang kasimple iyon.

Maaari kasing may gumamit ng jammer para mawala ang internet signal upang may dahilang maantala ang canvassing of votes.

 At marami ang nagtatanong kung habang hindi pa naipapadala ang bilang ng mga boto sa canvassing area ay maaari kayang i-reformat ang secured digital (SD) cards mula sa VCM upang mabago ang nakatalang datos dito?

Puwede kayang mangyari ito lalo na’t walang data o IT analyst na nakabantay bago i-transmit ang mga boto at wala ring nakabantay sa canvassing area na tumanggap ng bilang ng mga boto at nag-save ng detalye sa database.

Naging high-tech na pala ang dagdag-bawas.

Kaya nga nakatakdang maghain ng petisyon sa Comelec si Atty. Renato dela Cruz, abogado ni Lim, upang ipawalang bisa ang proklamasyon kay Erap.

Maraming kaso ng pandaraya sa eleksiyon at napatunayan sa mga inihaing protesta.

May pagkakataong lumilitaw na ang natalo pala ang siyang nanalo.

Kaya naman naalis sa puwesto ang napatunayang nandaya.

Hindi ba dapat, kasamang panagutin at parusahan din ang mga teacher, mga kawani ng Comelec at iba pang miyembro  ng board or election inspectors (BEI) at Board of Canvassers (BOC) na may partisipasyong ginawa sa pandaraya?

Walang masama sa pagrereklamo lalo na’t alam ni Lim na naagrabyado siya at kailangang manindigan para sa mga Manilenyo na tatlong taon nang binababoy ng sentensiyadong mandarambong.

Kompiyansa si Lim na nasa panig niya ang katotohanan at hindi papayag ang matitinong Manilenyo na maipagpatuloy ng taga-San Juan ang kabuktutan sa lungsod.

Dapat tandaan, ang katotohanan ay hindi nadadaan sa dasal, ito ay ipinakikipaglaban.

Dahil ang mga mandaraya at mga walanghiya ay nagdarasal din kaya’t ang katotohanan ay dapat ipinakikipaglaban.

Masyado namang halata at garapalan ang pandarayang ito na ngayon lang nangyari sa kasaysayan ng eleksiyon sa Filipinas.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *