Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Kambal na sanggol sa bato (2)

Kapag nakakita ng duyan sa bungang-tulog, nagsasaad ito na kailangan mong mag-break para sa ilang pleasure and leisurely activities. Kailan mong mag-relax din, para ma-recharge na rin. Maaaring may kaugnayan din ito sa appreciation mo sa buhay. Posibleng may kaugnayan ito sa hinahangad o goal sa iyong buhay at pagnanasang maging maligaya.

Ang ukol naman sa kambal na nakita sa iyong panaginip, ito ay maaaring nagsasaad ng ambivalence, dualities o opposites. Ito rin ay maaaring nagre-represent ng seguridad sa business, faithfulness, at contentment sa buhay. Ito ay maaari ring nagpapahayag na ikaw ay either maayos o may salungat sa pagitan ng mga idea at desisyon. Posible rin na ito ay may kaugnayan sa pagsibol ng bagong idea o proyekto. Ito ay nagre-represent din ng new attitude, fresh beginnings o ng major event. Alternatively, ito ay posible rin namang tumatawag sa atensiyon sa inner child na nasa iyo at ang potensiyal mo upang mag-grow pa. Isa pang posibleng mas direktang kahulugan ng iyong panaginip ay ang pag-asam sa pagkakaroon ng kambal sa inyong pamilya.

Kapag nakakita ng ipis sa panaginip, ito ay sumisimbolo sa karumihan o pagiging marumi. Nagre-represent din naman ito ng longevity, tenacity, and renewal. Kailangang ire-evaluate ang mahahalagang aspeto ng iyong buhay. Alternatively, ang ganitong klase ng bungang tulog ay nagpapakita ng hindi magagandang katangian na dapat mong harapin o bigyan ng pasin.

Ang panaginip mo naman na tumakbo ka ay nagsasaad ng pag-iwas mo sa ilang isyu, hindi mo tinatanggap ang anumang responsibilidad sa mga bagay na nagawa mo. Sa kaso mo, maaaring ito ay may kaugnayan sa hindi mo pagharap sa mga bagay na kinatatakutan mo. May pagkakataon na nakadarama ka ng kawalan ng pag-asa. Gawin mong produktibo ang iyong buhay, ang mga negatibong bagay sa iyo ay baligtarin at gawing positibo.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …