Aries (April 18-May 13) Hindi reliable source ang isang kaibigan. Maghanap ng better filter sa iyong impormasyon.
Taurus (May 13-June 21) Hindi ka nauubusan ng mga ideya; ngayon na ang mainam na panahon para isabuhay ang nasabing mga teorya.
Gemini (June 21-July 20) Kinukuha ng iyong mga katrabaho ang halos buo mong oras. Tanggihan mo naman sila.
Cancer (July 20-Aug. 10) Manatili sa kalmadong tubig; huwag pahihigop sa maalon na mga problema ng iba.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Kumapit ka sa railing. Mag-ingat sa paghakbang, o maaari kang lumagpas.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Constructive criticism ba ang iyong ginagawa? O ikaw ay nanlalait lamang?
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Mayroong bagay na hindi mo nakikita. Bumalik ka. Sundan ang iyong mga bakas.
Scorpio (Nov. 23-29) Hindi mo kailangang lumaban nang mag-isa. Tumawag ka ng backup.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Ang iyong kakayahan sa pakikipag-ugnayan ay pambituin; kailangan mo ng katahimikan para makuha ang mensahe.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) I-save ang iyong enerhiya: huwag ibubuhos ang panahon sa maliliit na bagay.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Ang una mong makikita ay hindi palaging best option. Mag-ikot-ikot ka muna.
Pisces (March 11-April 18) Saan mo gustong magtungo? Itigil ang pangangarap nang gising tungkol sa pagbibiyahe at gumawa ng mga plano.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Kailangan mong lumundag sa business ngayon nang hindi na nag-iisip pa nang matindi.
ni Lady Dee