Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine nahipuan, AlDub fans nagkukuda

NAHIPUAN pala si Maine Mendoza kaya galit na galit daw si Alden Richards.

Sa isang barangay ay nagkagulo ang fans pagkakita kay Maine at may isang hindi nakapagpigil at hinipuan si Maine.

Nang lumabas sa isang popular website ang photos ni Maine na kuha ng isang fan niya at ipinost sa FB account niya ay kitang-kita na kagagaling lang sa pag-iyak ni  Maine  matapos siyang mahipuan.

Ang siste, hindi naman nai-report kung nahuli ang nanghipo kay Maine o kung sang barangay nangyari ang insidente.

Teka, nasaan ang younger brother ni Maine na siyang tumatayong personal bodyguard niya nang mangyari ang panghihipo? At ano rin ang silbi ng sandamakmak na bodyguards na bigay sa kanya ng noontime show niya? Anong bang klaseng bodyguards ang mga ‘yan at tila nagpabaya sila?

Ang suggestion ng fan ni Maine ay ibalik na lang sa Broadway ang kanilang idol nang hindi na mangyari ang ganitong senaryo.

Nagpatutsadahan naman ang AlDub fans sa mga comment nila. ”Kababae kasing tao pinapalarga nilang ganyan ang init pa. Dapat sa studio na lang siya. Si Alden ibilad niyo,” say ng isang fan.

“Matagal nang nagprisinta si Alden na siya na lang sa brgy last year pa kaya lang mas gusto ni Meng kasi nandoon mga kaibigan n’ya. Yung episode na nahampas sya ng babae dahil sabik kay Alden. hay naku mema lang,” sagot naman ng isang supporter.

“Tard spotted. Halatang OSF tard. Alam mo ba kung bakit nasa Broadway si Alden? Dahil host sya ng Classroom Superstar segment dun. Wag mo idamay si Alden. Discretion ng EB yan kung saan ilalagay si Maine. Gamitin mo utak mo wag kuda ng kuda,” maaanghang na sabi naman ng isa pang fan.

”Ano ba ginagawa ng security ni Meng jan?andami at anlalaki nila dun ha?dpat parusahan yung nanghipo para madala at di na hipuan ang ibang babae,Kapal ng mukha ng gumawa sa kanya nun. Kapitan san kana ha? ppuntahan kita,” reaksiyon naman ng isang supporter ni Maine.

Parang inutil ang mga bodyguard ni Maine. Marami na silang kapalpakang nagawa.

Nahuli kaya ang  nanghipo kay Maine? Saan kayang barangay nangyari ang insidente para maiwasan iyon ng mga artista.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …