BINU-BULLY si Karen Davila dahil sa ang feeling ng supporters ng isang politiko ay naging biased siya sa kanyang presidential debate hosting job.
Sari-saring batikos ang inabot ng beteranang news anchor kaya naman nag-decide siyang i-private na lang ang kanyang Instagram account. Ayaw kasi siyang tigilan ng kanyang mga basher.
Parang gusto nilang ipako sa krus si Karen, gusto yata nilang saktan ang news anchor.
Actually, nagpakuha ng photo si Karen kasama ang nasabing politician pero ang ganda ng caption niya. Pinuri niya ang politiko sa mga sagot nito sa kanyang mga tanong.
Bakit nga ba parang bullies itong supporters ng politikong ito? Kapag hindi nila gusto ang tanong sa kanilang idol ay dakdak sila nang dakdak sa social media.
UNCUT – Alex Brosas