Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karla, ‘di makapaniwalang magkakaroon muli ng career sa TV

NOON pa man, humahataw na sa That’s Entertainment ang babaeng taga-Tacloban, si Karla Ford na mas kilala bilang Karla Estrada.  Magaling na siyang kumanta talaga, ang problema lang palakasan noon kung sino ‘yung malalapit sa producers at director, siya ang sinusuwerte.

Madalas makasama sa out of town show si Karla kundi man show eh, Santa Cruzan  ang drama ni sa hinagap hindi akalain ni Karla na isang araw pala darating ang panahong magko-concert siya na magaganap na sa April 30 sa  Kia Theater, ang Her Highness, The Queen Mother In Concert.

Kinakabahan man si Karla, alam niyang hindi s’ya pababayaan ng nasa Itaas at kanyang mga tagahanga.

Hindi rin maubos maisip ni Karla na sa pagsali sa programa ng ABS-CBN, angYour Face Sounds Familiar ay magugustuhan siya  at doon magsisimula ang suwerte para magkaroon ng career sa telebisyon.

Nariyan ngang sabihing siya ang papalit sa trono ni Kris Aquino at hindi naman nagkamali dahil nagkaroon siya ng morning show kasama sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

Hindi rin alintana ni Karla na puputok ang name niya sa pagpapatawa sa Funny Ka, Pare Ko kasama si Bayani Agbayani kabaligtaran noong pangarap niyang maging isang ganap na aktres.

Pia, pinaalalahanang tiyaking tunay na lalaki ang US doctor

TILA nabihag na ang puso ng pangatlong Pilipinang naging Miss Universe na siPia Alonzo Wurtzbach ang isang poging taga-Amerika na kung ilarawan ay pinaka-seksing doctor.

Unti-unti na tuloy nabubura sa isipan ng marami na na-link s’ya noon kay Tom Araullo, ABS-CBN newscaster.

Marami ang natutuwa na masaya si Pia pero marami rin ang nagpapalala na tiyaking mabuti kung wala bang taglay na kamandag ng dugong berde ang doctor. Iyon daw kasi ang karaniwang sakit ngayon ng mga sobrang pogi lalo na sa Amerika.

Mabibilang na raw sa daliri ang mga totoong lalaki sa paligid-ligid ng New York.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …