PLAYING dual role as Sara and Kara sa Doble Kara ay malaking challenge talaga para kay Julia Montes lalo pa’t sa pagpasok ng bagong yugto ay magkakaanak na ang characters niya.
“Actually po, mas natsa-challenge ako kay Sara talaga kasi tipong…Kay Sara na-experience ko kung paano sumali ng pageant, na-experience kong sumayaw sa maraming tao sa Pampanga, so ‘yung effort mas na kay Sara. Pero kay Kara kasi mas malapit siya sa heart ko kasi ‘yung pananaw ni Kara, kung paano si Kara sa family, mas malapit po talaga ang character ko kay Kara,” say ni Julia nang matanong kung saan siya mas na-challenge, kay Sarah o kay Kara.
Masuwerte ang Doble Kara kay Julia dahil she won Best Actress sa katatapos lang na 14th Gawad Tanglaw. The teleserye also hit its all time high rating of 19% recently.
UNCUT – Alex Brosas