BINA-BASH si Enrique Gil dahil binastos daw nito si Liza Soberano.
Umapir kasi sa isang sikat na website ang dalawang photos na nakitang hinarang ni Enrique ang kanyang braso kay Liza to protect her from being mobbed sa isang event sa UST. Ang naging dating ay parang nahawakan niya ang boobs ni Liza kaya nagwala ang bashers ng actor. Feeling nila ay natsansingan ni Enrique and leading lady niya sa Dolce Amore.
Agad namang ipinagtanggol ng LizQuen fans si Enrique.
“Camera angle Hinde nmn naka dikit yan eh! Plus if who in their right mind would do that in public? Susme nmn Ang mga Tao nga nmn.”
“Hindi nyo ba nakikitang hindi nakadikit?! Kahit gumamit pa kayo ng magnifying glass hindi nakadikit!”
“mas di maganda sa paningin ng kabataan ang tulad mong mapanghusga. UST students can attest that Quen was actually being a gentleman. there,protecting Liza from being mobbed.”
“bulag k b? hinaharangan oo pero hindi nmn nakadikit.”
‘Yan ang mga pagtatanggol ng LizQuen fans kay Enrique.
UNCUT – Alex Brosas