Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Massage video nina Ruby at Alden, ikinabahala ng fans

NABAHALA ang ilang fans nang maging viral sa social media ngayon ang isang video nina Ruby Rodriguez at Alden Richards.

Ipinakita kasi sa video na minamasahe ni Ruby si Alden in a very unconventional way—nakadagan ito kay Alden habang nakahiga sa couch. Parang malaking ginhawa para kay Alden ang matinding pressure sa pagdagan sa kanya ng komedyante.

Apparently, kuha ang video sa dressing room ng Eat! Bulaga.

Nang lumabas ang video sa social media ay marami ang naalarmang fans ng binata. Nag-worry sila dahil may posibilidad na baka makasama sa actor ang pagpapamasahe ng ganoon.

“Be careful. Delikado yan. Seeing her sitting on the back of Alden.. Is a no no (for me). I hope hindi nya na ulitin.”

“Grabe ha! D kya nadurog mga buto in Alden?”

“Ahahahahaha mabuti nalang na hindi siya napisa sa ganyang masahe , naku, ang bigat panaman ni ruby at mahigit na kumulang ng 300 pounds yan si ruby, at pang sumo wrestler na iyan araguy.”

“naku ingat ka baka mabali ang spine mo? Ingat.”

“Maybe@aldenrichards02 is relaxed in that way .but for me I’m in medical field for me it is scary I don’t think we will allow our patient to have it done like this I will allow maybe like the size of Meng but not this size I’m sorry but scared me to death I’m looking for spinal injury for this kind of therapy.”

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …