Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Creative team ng GMA, kapos ba sa imahinasyon kaya remake na lang ang ibibigay kina Maine at Alden?

NAKAKALOKA ang chikang remake ng isang Koreanovela ang unang pagsasamahan nina Maine Mendoza and Alden Richards.

Ang chika, remake ng hit Koreanovela na My Love from the Stars ang gagawin ng dalawa.

Nagtaray ang  writer-friend naming si Alwyn Ignacio sa Facebook and said,”Totoo na ito? Kung true nga, ang tanong ko, sobrang kapos na ba sa imahinasyon at creativity ang creative team at pool of writers sa ka-Siyete kaya ang maitim nilang balak eh babuyin ang super hit Korean novela na ‘My Love From The Stars?’ Ang may chance na maging bida daw ay sina Alden Richards at Maine Mendoza? Bakit pa kayo naging creative team kung hindi niyo keribels na mag-create ng orihinal na kuwento for your phenomenal love team? Kung manggagaya na naman kayo, mas makabubuti siguro, sabay-sabay na lang kayong magbitiw. Mahiya naman kayo sa mga televiewer, kung hindi remake, rehash ang ibinibigay niyo tapos gusto niyo pa kaming manalig sa pralala niyong kayo pa rin ang number one eh puro lumang-bago ang palabas niyo? Isip-isip naman, At ‘wag maniwala sa mga sariling press releases, huh.”

Oo nga naman. Bakit remake ang unang gagawin nina Alden at Maine? Bakit parang tamad-tamaran ang Creatives ng GMA-7 at ayaw nilang mag-isip ng bagong concept for the two?

Ang dapat sa GMA executives, sisantihin na nila ang Creatives nila dahil parang wala naman itong silbi. Bakit pa sila binabayaran kung puro remake lang ang gagawin nila?

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …