ANG feng shui aquarium ay maganda at malakas na feng shui cure na naghihikayat ng enerhiya ng yaman at kasaganaan.
Kung ilalagay sa tamang lugar, at maayos na maaalagaan, palalakasin pa nito ang enerhiya sa tahanan o opisina para makaakit nang higit pang wealth Chi.
Maswerte ang aquarium dahil nagdudulot ito ng harmonious combination ng ilang wealth attracting feng shui factors, gayondin ng perpektong balanse ng limang feng shui elements:
Feng Shui Water element (ang tubig sa aquarium); Feng Shui Wood element (ang mga halaman sa aquarium); Feng Shui Metal element (sa aquarium structure); Feng Shui Earth element (ang maliliit na bato sa aquarium); at Feng Shui Fire element (red, orange and gold yellow colors ng mga isda, gayondin ang ilaw ng aquarium)
Ang best area para sa feng shui aquarium ay Southeast (feng shui Wealth and Abundance area) kasunod ang North (Career) o East (Health and Family)
Huwag maglalagay ng aquarium sa bedroom, o sa kusina, dahil ito ay magdudulot ng unwanted feng shui energies sa mga eryang ito. Sa madaling salita, ang aquarium ay bad feng shui sa bedroom at kusina.
ni Lady Choi