Monday , January 6 2025

Panaginip mo, Interpret ko: Ina, isa sa tatlong babae ng ex-hub (2)

Ang hinggil naman sa sahig o floor, ito ay nagre-represent ng iyong support system and sense of security. Mayroon kang firm foundation na maaasahan mo. Ito ay maaaring sumasagisag din sa division sa pagitan ng subconscious and conscious. Alternatively, ito ay maaaring ‘pun’ din on being “floored” or being completely surprised. Maaaring dahil na caught off guard ka sa isang bagay. Sakaling hinahalikan mo naman ang sahig sa panaginip mo, nagpapakita ito na nagpapasalamat ka sa buhay na mayroon ka. Kung binabalatan o tinutungkab naman ang sahig, nagsasaad ito na umaabot ka na sa iyong subconscious level. Alternatively, maaaring ito ay sumisimbolo rin naman sa mga nakaraang kinalimutan na. Posibleng angkop dito ang kasabihang ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. Kapag naman nakakita ng makintab na sahig sa panaginip, nagsasabi ito na ang iyong subconscious ay suppressed. Ikonsidera ang lagay ng sahig, kung tabingi ito, nagpapakita na lumilihis ka ng sobra sa iyong orihinal na plano at mithiin. Kung ito ay floors ng building, may kaugnayan ito sa iyong level of understanding, awareness o success. Ang mas mataas na floors ay nagpapakita ng higher accomplishments at achievements. Kung nasa mababang floors ka, may kaugnayan ito sa primal attitudes, sa subconscious and/or sexuality. Nagpapakita rin ito ng kabiguan o fail

Ang panaginip na bumabagsak ay isa sa mga itinuturing na pangkaraniwang panaginip. Subalit taliwas sa mga nakaugaliang paniniwala at interpretasyon ng ganitong tema ng bungang-tulog, hindi ito nangangahulugan ng kamatayan kung ang nananaginip ay hindi magigising sa pagkakatulog kapag bumagsak na sa lupa. Sa halip, ito ay indikasyon ng insecurities, instabilities, at anxieties. Ang nanaginip ay maaaring nakadarama ng pagka-overwhelmed at kawalan ng kontrol sa ilang sitwasyon sa buhay. Maaaring may koneksiyon ito sa pakikipagrelasyon o kaya naman, sa hanapbuhay dahil hindi siya maka-agapay sa mabilis, komplikado, at problemadong pang-araw-araw na buhay. Maaari rin namang may kaugnayan ito sa sense of failure o inferiority sa ilang pagkakataon at sitwasyon. Posible rin namang may kinalaman ito sa takot na maging failure sa trabaho, sa pag-aaral, status sa buhay, o sa usapin sa puso. Ayon sa Freudian theory, ang ganitong panaginip ay nagsasaad din ng pag-iisip na may kaugnayan sa pagbibigay sa sariling kagustuhan na may kaugnayan sa sexual urge or impulse. At maaari rin naman na ito ay may kaugnayan sa kakulangan sa indiscretion. Ayon naman sa interpretasyon ng Bibliya, ito ay may negatibong kahulugan at nagsa-suggest na ang nananaginip ay maaaring gumagalaw o umaakto ng naaayon lamang sa kanyang sariling kagustuhan at hindi ng tulad sa kagustuhan ng Panginoong Diyos.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *