Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Penis ring nagpasiklab ng bomb alert sa casino

NAGULANTANG ang mga nag-susugal nang isang empleyado ng Spielothek casino sa Halberstadt, Germany ang nakarinig ng ‘ticking’ at ‘humming’ ng inakalang bomba mula sa men’s bathroom trash bin kaya tumawag ng pulis, ayon sa ulat ng Local sa Germany.

Inilikas ng mga pulis ang mga nagsusugal sa casino patungo sa kalapit na shops, hinarangan ang kalsada at tumawag ng bomb squad.

Pagkaraan ay natagpuan ng bomb squad ang bagay na hindi naman maaaring sumabog sa basurahan, ang penis ring na patuloy pang nagba-vibrate, ayon sa ulat ng Local.

Sinabi ng opisyal sa German publication Volkstimme, kailangan umaksiyon ang mga awtoridad para sa kaligtasan ng lahat.

Habang hindi naman mabatid kung paano napunta sa lugar ang battery-powered sex toy na nagdulot ng panic.

“This is something I have never seen in 36 years on the force, that just tops everything,” pahayag ng chief superintendent sa Volksstimme.

Hindi ito ang tanging emergency response na isinagawa kaugnay sa penis ring activity sa Germany.

Noong Marso, kinailangang tanggalin ng mga bombero ang ilang rings sa isang ‘fetishist’ sa Munich, ayon sa ulat ng RT.

(THE HUFFINGTON POST)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …