Saturday , November 23 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Karayom marami sa palad

Hello Señor H,

I’m Ella, 2ngkol po s krayom ang pnginip q… mdme po nk2sok n krayom s kliwang plad q at aq n rin po mismo ang ngtnggal n2 at s bwat kryom me ksma ng sinulid… mghhn ty po aq ng sgot nyo s HATAW at pls. po wag n lang po ipost cp # q..tnx sir and more power 2 u.

To Ella,

Kapag nakakita ng karayom sa iyong panaginip, ito ay nagsasaad na kailangang ayusin ang ilang relasyon o sitwasyon na nawalan ng kontrol o nagkaproblema. Ang karayom ay simbolo rin ng ilang emotional or physical pain. Alternatively, ang ganitong bungang-tulog ay maaaring metaphor din para sa male sexuality or a sexual act. Partikular, kapag nakakita sa panginip ng karayom na pantahi, ito ay nagsa-suggest na minamanipula mo ang ilang sitwasyon upang makuha ang gustong kalalabasan nito. Kapag ang karayom ay nakatusok sa iyong daliri, nagsasabi ito na nakadarama ka na hindi kinikilala ang mga magagandang nagawa mo o ang mga paghihirap mo. Ito ay maaaring nagsasabi rin ng ukol sa isang verbally abusive relationship. Kung naghahanap ka naman ng karayom, ito ay simbolo ng useless worries over small, trivial matters. Ikonsidera ang phrase na, ‘Looking for a needle in a haystack,’ bilang sagisag ng fruitless pursuits. Kung tumutulay naman sa karayom ang napanaginipan, may kaugnayan ito sa hindi natapos o natuldukang isyu na kailangang harapin o kaya naman ay ayusin. Alternatively, ang ganitong panaginip ay maaaring mayroong sexual connotations.

Ang palad sa panaginip ay nagre-represent ng iyong generosity and openness, lalo na kung nakabukas sila sa iyong bungang-tulog. Kung sarado naman ito, maaaring nagsasabi ito na mayroon kang itinatago o pinagtatakpan. Alternatively, nagsasabi rin naman ito na mayroon kang power sa iyong mga  kamay at ikaw ay may knowledge within yourself to maximize your potential. Ang kaliwa o left naman ay sumasagisag sa iyong subconscious and repressed thoughts/emotions. Ito ay indikasyon din ng passivity.

Ang sinulid sa panaginip ay sumisimbolo sa iyong life path and destiny. Ito ay nagre-represent din ng koneksiyon sa iyong thoughts and ideas.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *