Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja, insecure raw kaya ‘pinapatay’ si Bela

EWAN kung aware si Maja Salvador na siya ang itinuturong dahilan sa pagkamatay ng character ni  Bela Padilla na si  Carmen sa Ang Probinsyano.

Sa isang Facebook fan page, PamintaSuperstar.com ay ito ang nakasaad, “After ng April 06 episode ng ‘Ang Probinsyano’ kung kaian namatay si Carmen, nagkaroon ng discussion sa programang ‘Mismo’ sa DZMM sina Jobert Sucaldito at MJ Felipe. Pinag usapan nila ang pagkamatay ng character ni Bela Padilla, that even them are disappointed. According to Jobert, maraming writers and members of the production team ang nagsabi na ang pagkawala ng character ni Bela ay request ni Maja Salvador dahil pakiramdam nito ay nasasapawan ang character n’ya ng character ni Bela. Umano ay ‘di nila inaasahan na mas tatanggapin ng tao ang Carmen-Cardo loveteam at lalong ‘di nila inaasahan na mas maraming susuporta kay Bela kaysa kanya. Ito na rin siguro ang sagot bakit pinaglaruan sa teleserye ang character ni Carmen. Originally, 8 weeks lang daw dapat si Bela sa serye, pero dahil sa ‘di inaasahang pagtanggap at pagmamahal ng fans kay Carmen pina-stay sya at tumagal ng mahigit 20 weeks. Dito na raw nagreklamo sa production si Maja na tanggalin na si Bela agad dahil tumatagal nang nasasapawan s’ya. Dapat ay focus na lamang sa kanya as the leading lady. Bilang original Kapamilya star at homegrown talent ng ABS-CBN, priority nilang pakinggan si Maja. To the bashers or ayaw maniwala, Iwould like to reiterate ito po ay napanood ko sa DZMM Teleradyo sa programang ‘Mismo’, originally hosted by Jobert Sucaldito and Ahwel Paz. Pero last night absent si Ahwel at si MJ Felipe ang kasama ni Jobert. Sila ang tanungin n’yo through their social media accounts kung may tanong kayo about this. I don’t think naman na idi-discuss nila ito on national teleradyo kundi reliable ang source nila. I was a fan of Carmen-Cardo-Glen loveteam pero naawa ako sa ginawa kay Bela, at mas naawa ako sa production team ng ‘Ang Probinsyano’ na walang magawa sa salita ng isang aktres na malakas sa management.”

True bang Maja was so insecure of Bela that she has to throw her weight around? Pakisagot nga, Maja.

Anyway, hindi kami naniniwalang capable si Maja na magpatanggal ng isang artista. Wala kaming naririnig na chismis na ganyan sa kanya in the past, ‘no!

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …