Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng Shui: Decorate your home

00 feng shuiMAGLAAN ng panahon para sa pag-decorate, paglalagay ng magagandang bagay sa paligid, at sa sarili.

Iorganisa ang mga kasuutan. Pagtuunan ng pansin ang mga detalye ng susuuting damit.  Ang pagiging elegante ay mahalaga.

Ang pagtutuon ng pansin sa feng shui ay mahalaga sa pagsalubong sa mga oportunidad. Linisin ang inyong bahay katulad ng inyong ginagawa sa spring cleaning.

Iurong ang ano mang piraso ng furniture na hindi madalas na nagagalaw upang malinis ang likod at ilalim nito. Huwag hayaang palaging magulo at marumi ang paligid.

Kung may mga kalat sa ano mang lugar, ito na ang panahon sa pagdispatsa ng mga ito.  Ang ano mang bagay na hindi na ginagamit ay dapat nang alisin o idispatsa, lalo na sa mga closets, drawers, at storage areas na hindi organisado at marumi.

Sa inyong pagpasok sa bahay, ano ang bagay na nakikita? Igala ang paningin sa paligid, mag-obserba sa bawat kwarto ng inyong bahay.

Tiyaking ang unang makikita sa bahay ay kaiga-igaya at kahali-halina, at malinis.  Iorganisa ang bawat kwarto upang ang unang makikita ay mainam pagmasdan at kahali-halinang pasukin. Ang unang makikita ay dapat na maganda na hahangarin mong malapitan.

Hindi lahat ay may artistic talents, ngunit ang lahat ay maaaring makagawa ng bagay na ikagaganda at ikaaayos ng ating paligid.

Tumingin sa interior design books o magazine upang makakuha ng mga ideya kung paano aayusin at pagagandahin ang bahay at inyong paligid. Maging bukas sa paglinang sa inyong pagiging makasining.

ni Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …