HINDI showbiz si Pandi, Bulacan mayor Enrico Roque kaya naman may hesitation siyang sagutin kung sino ang mga naging crush niya sa showbiz.
“Dati si Kristine Hermosa ngayo si Angel Locsin. Alam naman nila ‘yan,” say ni Mayor Enrico nang makausap namin sa Casa Grande office niya na ilang hakbang lang sa Amana Waterpark Resort.
Aminado si Mayor Enrico na malaki ang naitulong ng Amana para makilala ang Pandi, Bulacan.
“Nagsimula iyon with 7 hectares. Nag-ground-breaking kami noong August 8, 2008. Actually, iyon ang isa sa pinakamaganda na turning point dito sa bayan ng Pandi kasi kapag sinasabi ko na parating na ang kaunlaran sa bayang ito lahat ng tao nagtataas ng kilay, ‘si mayor ambisyoso’. Normal lang naman ‘yun, eh. Kung hindi ba naman ako ambisyoso, biruin mo palayan ‘yun at bulubundukin dati pero ngayon resort na, ‘di ba?” paliwanag ni Mayor Enrico.
Ang dating seven hectares na Amana Waterpark Resort ay 15 hectares na ngayon. Sa aming paglilibot nakakita pa kami ng tatlong ostrich na kinagigiliwan ng mga tao.
Noong una, clueless si Mayor Enrico kung ano ang ipapangalan niya sa resort.
“One time nanonood ako ng series sa channel 2, basta adaptation iyon ng isang Koreanovela. Basta ano ‘yun, eh, parang kauna-unahang serye nina Gerald Anderson at Kim Chiu. Mayroong resort na pag-aari roon ng bida, Amana ‘yung pangalan. Nagustuhan naman nila (investors). Sabi nila siguro ‘yan pamana, ama at ina dahil mapagmahal ako sa nanay ko at ama. Isang lugar din ‘yan sa Bible na nagsu-supply ng malinis na tubig sa isang community,” chika ni Mayor Enrico na muling tumatakbo sa pagkamayor ng Pandi. Last term na niya ngayong election.
According to Mayor Enrico, known pala ang Pandi, Bulacan sa paggawa ng Barong Tagalog.
UNCUT – Alex Brosas